Rabiya Mateo pumatol sa mga kritiko kaugnay sa video ng kanyang training days

Naging mainit na usapan online si Rabiya Mateo dahil sa kanyang mga sagot sa mga komento ng kaniyang online bashers.

Sa Tiktok ay nag-post ang Miss Universe Philippines 2020 titleholder ng throwback video ng  kanyang training days para sa pageant noong Martes, Marso 22.

“Namiss ko din maglakad na parang mababale na ‘yung balakang ko,” aniya sa kaniyang caption.

“Can we go back in time and start all over again?” dagdag pa niya.

Sa kanyang pinakabagong video sa TikTok ay may ilang mga haters na nagkomento tungkol sa kanyang pagtatapos sa Top 21 at sa kanyang paglalakad sa parehong thread. Tila nasa mood siyang tumugon sa ilan sa kanila; sa sarili niyang fierce at nakatutuwang paraan.

Tumugon si Rabiya sa komento ng netizen na nagsabing “’Wag na, talo ka naman e”. Aniya, “Hahaha talo nga pero ganito naman po ‘yung face ko, panalo pa din. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya n’yo, nako forever talo talaga ako nyan hahahaha.”

Isa pang netizen ang nagkomento at sinabing “Naku Rabiya, medyo ‘di ko bet rampa mo.”

Tugon naman dito ni Rabiya ay “Same. ‘Di din kita bet po. Hahaha. Bakit ka ba nandito? Hahaha.”

Hindi nakalimutan ng beauty queen na pasalamatan ang kanyang mga followers na nag-udyok sa kanya na subukang muli ang kanyang kapalaran sa pageantry para sa kanilang “warmest support.”

“Thank you sa warmest support guys. These were my training videos. Tapos na po laban natin. Time ko naman maging supportive Ate sa next MUPH.”

Kinatawan ni Rabiya ang bansa sa Miss Universe 2020 tilt. Tinapos niya ang kanyang journey patungo sa inaasam-asam na korona sa Top 21 ng kompetisyon.

Basahin: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales kinumpirma ang relasyon sa pamamagitan ng Instagram post

Ang TikTok video:

Kamakailan lamang ay isinapubliko ng aktres at ng nobyo nitong si Jeric Gonzales ang kanilang relasyon kung saan ay ibinahagi nilang dalawa sa Instagram ang kanilang mga larawan mula sa paglalakbay nila sa Bohol.

“Through good times and bad times, I’m gonna be there by your side. I love you Babe,” aniya ng aktres.

“To more memories with you. @rabiyamateo I love you,” tugon naman ni Jeric.

 

@rabiyamateo Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again? #missuniverse #missuniversephilippines #rabiyamateo ♬ My Universe – Coldplay x BTS

Post a Comment

Previous Post Next Post