Valentine Rosales nag-sorry hinggil sa kanyang 7/11 story time, 'Hindi po talaga tama 'yung ginawa ko'

Nag-public apology si Valentine Rosales sa kaniyang Tiktok account hinggil sa kanyang 7/11 story time na ngayon ay burado na sa kaniyang Facebook account.

Matatandaang nag-viral ang kaniyang post kung saan makikitang hawak nito ang tumbler ni Leni Robredo sa loob ng 7-11.

Ayon naman kay Xian Gaza, ‘black propaganda’ lamang laban sa kampanya ni Robredo ito at binayaran talaga si Rosales ng kalaban ng Bise Presidente, ayon umano sa kaniyang source.

Basahin: Xian Gaza duda kung talagang ‘Kakampink’ si Valentine Rosales: ‘Under siya sa payroll ng kalaban’

Sa Tiktok video ni Rosales nitong Huwebes, March 17 ay humingi siya ng tawad at sinabing naapektuhan siya sa mga negatibong komento at hindi tama ang kaniyang ginawa.

Naapektuhan din po ako ng mga nababasa ko dahil sa katotohanan nga po, hindi po talaga tama ‘yung ginawa ko,” ani Valentine.

“I realized my mistakes and hindi po talaga tama ‘yung ginawa ko,” dagdag pa niya.

“Regarding doon, I owe up to my mistakes kaya I’m making this apology video. Gusto ko pong mag-sorry sa nagawa ko kasi hindi naman po talaga tama ‘yung ginawa ko.”

“Nanira po ako ng ibang kandidato and all of them are campaigning and doing their best to promote their candidacy for president and ako maninira lang po ng isang kandidato which dapat instead of manira i-promote ko na lang po ‘yung mga good deeds or magandang nagawa ng kandidato ko.”

Gayunman, may mensahe rin siya para sa mga taong magpapatawad sa kanya at hindi magpapatawad sa kanya.

“Nagkamali po ako and humihingi po ako apology sa inyong lahat. Sa mga magpo-forgive sa akin sobrang appreciate ko po and I’ll do my best to be a better person.”

“Sa mga hindi naman po ako mapo-forgive, I will understand kasi kasalanan ko naman talaga ‘yun. I should be ready for the consequences of what I have done pero please know na pinagsisisihan ko na po ‘yung ginawa ko.”

“And it’s better na at least nag-apologize po ako and I made a video to apologize kasi sasabihin nila ang sipag ko gumawa ng video, manglait pero mag-sorry hindi ko magawa. Kaya ito po I’m apologizing and owe up my mistakes.”

“And to show na sincere po ako sa pagso-sorry ko i-de-delete ko po lahat ng posting ko regarding those issue dahil hindi po tama ‘yung nagawa ko. Sorry po sa nagawa ko and regarding politics I’ll stay out and keep quiet. May the best president win. Sorry again sa lahat.”

Panoorin.

@iamvalentinerosalesSorry …♬ Soft Background Music – Background Music

Post a Comment

Previous Post Next Post