Xian Gaza duda kung talagang ‘Kakampink’ si Valentine Rosales: 'Under siya sa payroll ng kalaban'

Hindi naniniwala si Xian Gaza na tunay na ‘Kakampink’ si Valentine Rosales, ang isa sa mga nasangkot at napawalang-sala noon sa kontrobersyal na Dacera case.

Ito ay matapos magviral ang post ni Rosales kung saan makikitang hawak nito ang tumbler ni Leni Robredo sa loob ng 7-11.

Ayon kay Xian, ‘black propaganda’ lamang laban sa kampanya ni Robredo ito at binayaran talaga si Rosales ng kalaban ng Bise Presidente, ayon umano sa kaniyang source.

“It’s a masterplan, It’s the brainchild of someone I know. Nirecruit nila ang taong ito two weeks ago kapalit ng pera at massive exposure,” bahagi ng social media personality.

Ang totoong plano umano ay magpapanggap ang ‘subject’ na ‘Kakampink o Robredo supporter at magpo-post ng larawan hawak ang Leni tumbler. Pagkatapos raw ay gagawan ito ng ‘kuwentong barber caption’ at sasadyaing maraming edits para mawalan ng kredibilidad at maging ‘prone to bashing’.

“After a few hours from the time of posting eh papaviralin nila ito through massive sharing upang ma-bash nang husto ang subject nang mapasama ang buong Kakampink community,” patuloy ni Xian.

Ito raw ang dahilan kaya hindi nagtatanggal ng kanilang post ang ‘subject’ at parang hindi rin siya apektado kahit pinutakte na ng bashers.

“Naka-plano kasi ang lahat. Bayad kasi siya. Nakuha na niya ang massive attention na gustong-gusto niya,” dagdag pa ng kontrobersiyal na negosyante.

Ibinahagi rin ni Xian na noong isang linggo pa niya nalaman ang nasabing ‘masterplan’ mula sa isang credible source kaya gumawa rin siya ng sariling ‘masterplan’ para kontrahin ito.

“Tuwang-tuwa sila kahapon nang malaman nila na ang Pambansang Marites na si Xian Gaza ay sasawsaw sa issue,” dagdag ni Xian.

“Not me. Not in my territory. I rest my case,” pagwawakas ng post ng vlogger.

At bilang ‘resibo’ naman para patunayan ang kaniyang alegasyon, nag-post rin si Xian ng mga larawan kung saan makikita si Valentine Rosales kasama si senatorial bet Salvador Panelo, kandidato ng administrasyong Duterte at kilalang kritiko ni Robredo.

Maliban dito, nagsagawa rin umano sya ng sariling imbestigasyon upang malaman kung ano ang katotohanan sa viral na ‘7-Eleven post ni Rosales.

Post a Comment

Previous Post Next Post