13-Year-Old nagbebenta ng NFT art sa halagang P300k bawat isa, naging multimillionaire sa loob ng isang taon

Ang iyong anak ba ay magaling sa art?

Si Nyla Hayes, isang 13-taong-gulang na artist, ay kumikita ng milyun-milyong dolyar sa pagbebenta ng kanyang mga digital na larawan bilang mga NFT, ayon sa TODAY.

Kung narinig mo na ang NFT o non-fungible na token, ito ay isang digital asset tulad ng mga larawan, kanta, o video na ibinebenta online sa pamamagitan ng cryptocurrency o digital token.

Ang NFT art ay isang bagong paraan ng pagkakategorya ng mga digital na likhang sining na nagbibigay-daan sa mga designer na pagkakitaan ang kanilang trabaho.

Ito ay dapat na isang mas mabilis na proseso at isang mas madaling paraan para sa mga designers para makapag-produce ng work at umani ng mga gantimpala para sa kanilang pagkamalikhain.

Ang mga drawing ni Hayes ay naglalarawan ng mga iconic na kababaihan tulad nina Oprah, Michelle Obama, at Serena Williams, kasama ang kanyang lagda. Iginuhit niya ang mga ito na may mga pahabang leeg na tinatawag na “Long Neckie Ladies.”

“Long Neckie Ladies is a fine art, hand drawn, computer generated collectible of 3,333 diverse and elegant females,” ani Nyla.

Noong bata pa siya, nabighani si Hayes sa Brontosaurus dinosaur. At iyon ang dahilan kung bakit namumukod-tangi ang kanyang sining, at ngayon ay ibinebenta nang milyun-milyon.

“At first I just wanted to put two things that I love together, and that was a Brontosaurus and women,” aniya. “I wanted to show how beautiful and strong women were, and I thought of the brontosaurus as that as well.”

Noong Marso, naibenta niya ang kanyang “Long Neckie Lady” na portrait sa halagang $6,621.70 o Php 343,401.36 sa Instagram. Bago iyun, nakabenta siya ng isa pang drawing sa halagang $3,920.05 o Php 203,293.79.

Bata pa lang umano si Nyla ay nagpakita na ng interes sa pagguhit. At noong siya ay naging 9-anyos, binilhan siya ng kanyang ina ng isang smartphone na magagamit niya sa pagguhit ng digital art.

Natutunan nila ng kanyang ina ang tungkol sa mga NFT sa pamamagitan ng panonood ng mga video sa YouTube. Nitong nagdaang 2021 ay kinilala si Hyla ng TIME Magazine bilang kauna-unahang “Artist-in-Residence;” isang karangalan na ibinibigay sa mga sumusulong ang career sa NFTs. Bilang ‘artist-in-residence’, nakabuo siya ng phenomenal collection kung saan ay na-recreate niya ang cover portraits ng Time para sa kanilang “Women of the Year” franchise.

Wala umano sa kanyang hinagap na aabot sa ganoong pagkilala ang kanyang pinasok na negosyo.

Aniya, “I just thought it would be cool to put my art out there and show people that but to see how people react to it.” Hindi niya inasahan na lubos itong kikilalanin.

At ang kanyang lubos na pinasasalamatan? Ang kanyang “amazing” na ina na lagi umanong nakasuporta sa kanya.

“I need her,” pagbabahagi niya. Para daw itong kanang kamay niya dahil siya ay ‘left-handed’.

Samantala, silipin ang kanyang mga obra sa kanyang IG account:

Post a Comment

Previous Post Next Post