Rob Moya kay Toni Fowler: 'Toni mahal pa din kita, bumalik ka na sa akin'

May pagsisisi nga ba sa pagkapatid ng kanilang relasyon?

Napagtanto umano ni Rob Moya kung gaano kahalaga sa kaniya si Toni Fowler. Sa kaniyang vlog sa YouTube ay inamin nitong unti-unti niyang naramdamang mahal niya pa rin si Toni at sobra umano siyang nagsisi sa nagawa.

Nilinaw niyang ang tunay na dahilan umano kung bakit siya sinampal nito ay nang sinabihan niya ang vlogger na mahal na mahal niya pa rin ito at sinabi niyang gusto niyang balikan si Toni.

Aniya, na-appreciate lang daw niya si Toni at nalasing siya kaya lumabas ang kanyang tunay na saloobin. Sabi pa niya ay kahit mag-bestfriend na lang sila ay kinikilig pa rin daw siya tuwing magkikita sila ni Toni.

Humingi din siya ng dispensa kay Vince at wala siyang intensyon na saktan sila.

Aniya, kung puwede niya lang ibalik ang oras ay hindi siya magdadalawang-isip na mahalin ulit si Toni at kahit ilang babae pa raw ang dumaan sa kaniyang buhay ay tanging si Toni lang ang espesyal para sa kaniya.

Sa isa pa niyang video, inamin niyang miss at mahal pa niya si Toni.

“If you are listening. I still love you mommy, I know it’s been difficult.  I hope and pray na sana maayos pa rin natin ‘yung relasyon natin. Wala naman sigurong babae ang makakapalit sa kung anong mga pinagdaanan natin together mommy.”

Umaasa naman siya na magkikita pa rin sila ni Toni at nagmakaawa iyo na bumalik na sana sa kaniya.

Matatandaan na pagkatapos ng intimate birthday surprise nila kay Rob Moya, nagpasya sina Toni Fowler kasama ang Toro family na pumunta sa G-Side sa Tomas Morato, Quezon City upang doon ituloy ang selebrasyon.

Gayunpaman, nagkaroon ng matinding pagbabago sa kanilang party nang biglang nagsimulang maging touchy si Rob kay Toni dahil lasing na ito.

Sa video ay makikitang mas lumala pa ang argumento sa labas ng club; kung saan paulit-ulit silang tinanong ni Rob kung ano ang kanyang ginawang mali.

Basahin: Toni Fowler naghanda ng surprise birthday party para sa ex-turned-friend na si Rob Moya, nagtapos sa kaguluhan

Panoorin ang buong video ng paglalahad ni Moya:

Ang pagmamakaawang bumalik na sa kanya si Toni:

Post a Comment

Previous Post Next Post