Mukhang literal na sumusunod si Koa sa mga yapak ng kanyang ama — sa surfboard — sa murang edad na isang taon.
Ang bunsong anak ng champion surfer na si Philmar Alipayo at dating aktres na si Andi Eigenmann ay tila maagang matututo ng surfing ah.
Sa Instagram, ibinahagi ni Andi ang mga larawan at video ni Koa na matagumpay na nagtatangkang magbalanse habang nakatayo sa isang surf board.

Makikita rin sa isang clip ang sanggol na nakaupo habang sinusubukang itulak ang board noong Huwebes, Abril 14.
“If skating was what motivated him to start walking, I guess it’s surfing that’s sure has been motivating him to swim so bravely and well!” nakasaad sa post ng aktres.
Ang nakatatandang anak na babae ng mag-asawa, ang 2-taong-gulang na si Lilo, ay natutunan din ang mga pangunahing kaalaman, tulad ng makikita sa iba pang mga update ni Andi.
“I find that a great way for little ones to learn a new skill, is simply by letting them have a go at it!” sabi niya. “Trust them as they explore their capabilities and support them as they push themselves to try.”

“Lilo has been leveling up on her swimming skills by the day, and I see that it’s having playmates around and being able to do fun activities in the water that motivate her to do so. Like surfing! It doesn’t matter if they eventually opt to explore different things as they get older. That’s what makes life more enjoyable after all.
“But what a simple joy it is to see them love the life we are able to offer them. Not by force, but by nature,” dagdag pa niya.
Basahin: Andi Eigenmann, Philmar Alipayo magbubukas ng surf school at snacks bar sa Siargao

Nakatakdang magbukas ng surf school sa Siargao ang aktres na si Andi Eigenmann at ang kanyang fiance na si champion surfer Philmar Alipayo.
Ibinahagi ni Andi ang unang sulyap sa surf school, ang Kanaway, sa isang bagong entry sa vlog na in-upload sa YouTube channel ng aktres.
“Finally, he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop and ngayon nag-partner up na siya with Mang Karding of Kanaway Surf School to re-open Kanaway together this time,” pagkukuwento ni Andi.
“It will be, obviously, such great help to the surf instructors here, kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” sabi pa niya.
Samantala, ating silipin ang ‘surfing lessons’ ni Koa:
View this post on Instagram