Alex Gonzaga, ginaya ang 'Roar' performance ng kapatid na si Toni

Muling pinatunayan ni Alex Gonzaga ang kanyang sarili bilang isang multi-talented celebrity.

Bukod sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw at pag-vlogging, magaling din si Alex na mag-‘impersonate’ ng mga taong pinakamalapit sa kanya.

Noong Huwebes, Marso 31, 2022, nag-upload si Alex Gonzaga sa kaniyang TikTok account ng video kung saan ginagaya niya ang kaniyang ate na si Toni Gonzaga-Soriano sa pagkanta nito ng awiting ‘Roar’ ni Katy Perry.

Ito ang inawit ni Toni sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan.

Sa upper screen ay makikita ang video ng pagkanta ni Toni ng kaniyang “Roar’ at sa lower screen ay kay Alex naman habang ginagaya niya ang kaniyang kapatid.

Nilagyan ito ng caption na, “Plakado kita sissss!! Wag ako.”

Makikita si Toni na tumatawa sa likod ni Alex sa kanilang hotel room.

Ibinahagi rin niya ang mga clip na ito sa kaniyang Instagram stories at tinag si Toni.

Ang kantang nabanggit ay itinanghal ni Toni sa campaign rally nina Presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Humakot naman ng mahigit 5.6M views ang nasabing video at kinaaliwan ng mga netizen

Hindi nyo sila mapipikon, sila ang pipikon sa inyo HAHAHAHAHAH love u Gonzaga sis.”

“Siyempre magkapatid yan, ang nagmamahalan na magkapatid kahit anong mangyari nagkakampihan yan at walang pikunan.”

“I love your energy mareng Alex. Walang down time moment. Keepin the good vibes.”

“When u don’t support their political beliefs, but u have nothing but respect for them.”

Matatandaan na ang actress-singer-host na si Toni ang naging emcee-host nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa proclamation rally bilang kick off sa kanilang kampanya.

@mscathygonzaga Plakado kita sissss!! Wag ako. 🤣 #Fyp #Alexgonzaga #Tonigonzaga #roar #foryoupage ♬ original sound – Alex Gonzaga

Basahin: Ang nakaka-good vibes na caroling ni Alex Gonzaga sa mga presidential at vice presidential candidates

Post a Comment

Previous Post Next Post