Ilang buwan pagkatapos ng breakup nila ng vlogger na si Wil Dasovich, lumalabas na tila handa nang umibig muli ang cosplay celebrity na si Alodia Gosiengfiao.
Si Alodia ay nag-post ng larawan kasama ang negosyanteng si Christopher Quimbo sa kanyang Instagram account na may infinity sign pa bilang kanyang caption.

Naging usap-usapan naman ito ng mga netizen na baka nakahanap na ng bagong kasintahan ang cosplayer. Bumuhos naman ang pagbati sa comment section at mga heart emojis.
“Happy for you!”
“You deserve to be happy and loved”
“Kung saan ka masaya. Doon din kaming mga fans mo. paki-alagaan mabuti si Ms. Alodia sir”
Sa kanyang FB account ay makikita na maraming videos na nagpapatugtog ng piano si Christopher at umaawit habang katabi si Alodia na pumipindot-pindot rin sa mga keys.

Noong Nobyembre, kinumpirma ni Alodia na natapos na ang relasyon nila ni Wil.
Ibinunyag ng sikat na cosplayer na siya at ang dating “Pinoy Big Brother” housemate ay ilang beses nang nagpahinga sa isa’t isa bago tuluyang winakasan ang kanilang relasyon.
[Basahin: Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich hiwalay na]
“Meron pa bang comeback? We don’t know. I mean, nakailang comeback na kasi,” sabi niya. “But you know, things happen for a reason, I guess. ‘Pag hindi talaga, not meant to be,” aniya.
“I hate lying, to be honest… And every time may nagtatanong na, ‘Kayo pa ba?’ Siyempre I don’t want to lie,” diin niya. “It’s been a while na rin naman. Saka ‘yung mga na-upload, mga late uploads lang ‘yon kaya I guess it made it seem na parang kami pa rin.”

Humingi rin siya ng privacy sa kanyang mga masugid na mga tagahanga nang mga panahong iyon.
[Basahin: Viral post ni Alodia Gosiengfiao, patama kaya kay Wil Dasovich?]
Matatandaan kamakailan ay nag-viral ang post niya na tungkol sa ‘sinayang mo’ na patama raw umano kay Wil na agad namang may kwelang bwelta ang dating kasintahan na sinagot ng ‘ako nga pala ang sinaing mo’.
[Basahin: Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag]