Ang aktres at host-performer na si Kim Chiu ay bumalik sa kanyang sariling probinsiya noong Abril 21 upang ikampanya ang tandem ng presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo at ang kanyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Si Kim, na nagmula sa Cebu City, ay unang nagdala ng pride sa kanyang bayan bilang kauna-unahang teen-edition winner ng “Pinoy Big Brother” noong 2006, at kalaunan ay naging isang bona fide superstar na may serye ng mga hit sa TV at pelikula.

Sumali si Kim sa mga screen veteran na sina Pokwang at Cherry Pie Picache sa campaign sortie. Ito ang unang pagkakataon ni Kim na pisikal na dumalo sa isang Leni-Kiko rally.
Nakasuot ng pink T-shirt, hinarap niya ang tinatayang nasa 150,000 katao na nagtipon sa Mandaue City, Cebu upang tumawag ng suporta para sa dalawang kandidato. Ibinahagi rin niya ang kanyang mga dahilan sa pagsuporta sa kanila gamit ang salita ng mga taga-Visayas.
“Makakaasa po kayo kasama n’yo po ako sa laban na ito. Laban para sa isang gobyernong tapat, angat buhay ang lahat,” aniya.

“Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang tapat na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for honest and good governance. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong Pilipinas with you as our president, Maria Leonor ‘Leni’ Gerona Robredo,” dagdag pa niya.
Bahagi pa ng kanyang pagsasalita ang pagtugon sa kanyang bashers. “Bakit ba, basta andito ako sa Tama at tumindig ako sa Tama…Ok lang. Tama? Kung i bash ka dahil nasa Mali ka, yan ang masakit, diba… madadala ka na talaga. Pero kung i bash ako ngayon, ok lang, dahil in my lifetime, di ako mag regret na tumindig ako sa Tama at karapatdapat,” aniya.
Salamat sa Twitter user @xandeechan na nagbahagi ng translation ng speech niya.
Nagbahagi ang Rappler ng video ng kanyang pagsasalita sa Cebu campaign sortie:
Sa isa pang video sa Twitter ay makikitang napaluhod ang aktres sa bandang backstage at napuno ng emosyon matapos ang kaniyang speech sa grand rally. Agad siyang nilapitan nina Cherry at Pokwang.
Matatandaan na sinopla ni Kim ang isang netizen na pinagtawanan ang birthday greeting ni Vice President Leni Robredo para sa kanya.
“OMG kinilabutan ako pagbati ni madam VP ky Kim chiu. Kala ko talaga RIP na. Sorry #KimChiu had to play the video ng ulit2x,” ani ng isang netizen.
Hindi naman ito pinalampas ni Kim at agad niyang sinagot.
Aniya, “Wag ka nga! ‘di naman ikaw ‘yung binati eh. Ako ‘di ba? Ako ‘yung nag-birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naintindihan ko, para sa’kin naman ‘yung message. Ikaw ba? nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?. Bawas nega. Para angat buhay lahat. smile!”
Basahin: Kim Chiu na-touch sa birthday greeting ni VP Leni Robredo

