Naganap noong Abril 9 ng gabi ang UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws.
Namataan naman si Andrea Brillantes sa nasabing laro na ginanap sa Mall of Asia kung saan kumpirmado na ang laro ni Ricci Rivero, miyembro ng UP Maroons, ang sinusuportahan niya.
Matapos manalo ang team ni Ricci sa score na 83-76 laban sa FEU Tamaraws ay nagkaroon ng public announcement si Ricci na ikinakilig naman ng lahat ng mga tao sa loob ng arena.

“Can I ask Blythe to be my girlfriend?” tanong ni Ricci habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na “YES” at “NO.”
Naghiyawan nang malakas ang mga tao sa loob ng arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na ‘YES’; kumpirmasiyon na sinasagot na nga niya si Ricci na maging opisyal na ang kanilang relasyon.
“Got two wins today #UPFight TAKEN,” ani Ricci sa kaniyang Tweet.

Nag-post naman si Andrea sa kaniyang Facebook wall kung saan suot na nito ang T-shirt na may tatak na ‘YES’ at may hawak pa itong bulaklak.
“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang magkaka- boyfriend pa ako grabe naman ‘yun Lord! 04.09.22,” aniya.
Panoorin:
Pambansang Maritess Umentra
Samantala, may pasaring naman ang online personality na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook post.

Aniya, “After mag-drama sa TikTok at umeksena kay Francine at Seth eh biglang nagpatuhog sa basketball player. Bida-bida ampucha. ‘Baby, mag-propose ka sa akin after the game para bida nanaman ako. Kunyare hindi pa tayo kahit sinagot na kita last week. Eeksena ako syempre’. Shookt na shookt ang peg. ‘Nasabihan ko na ‘yung mga kukuha ng video. Kapag hinawakan mo na ‘yung mic eh ‘yun na ang cue nila to record us. Okay? I love you Ricci ng buhay ko! Muah!”
Matatandaan na sa isang Tiktok video ni Andrea noong Marso ay suot-suot nito ang jersey ni Ricci ng University of the Philippines Fighting Maroons.