Madam Inutz emosyonal nang makabili ng sasakyan; inalala ang panahong nakatanggap siya ng P137K

Sa pinakabagong vlog ni Madam Inutz ay ibinahagi niya ang hindi mapigilang saya nang mahawakan na niya ang sariling sasakyan. Sobrang saya niya nang mahawakan na ang manibela ng kanyang kotse.

Inakala niyang imposibleng mangyari ang pagkakaroon niya ng sariling sasakyan ngunit ngayo’y nakamit niya ito.

Dahil sa trabaho niya ay kailangan na niya talaga ng sariling sasakyan. Aniya, hindi raw niya ito ibinahagi sa kaniyang vlog para lamang ipagmalaki kundi para magsilbing inspirasyon sa mga tulad niyang online sellers na nagsipag at rumaket pa.

“Naiiyak lang ako kasi ‘yung mga akala mo imposibleng mangyari sa buhay… nangyayari,” aniya.

Naikuwento rin niya sa kaniyang vlog na nanghihiram lamang siya ng sasakyan at minsan pa raw ay pinipili rin niyang umangkas na lamang kung may pupuntahan.

“May bahay na ako, may kotse… jowa na lang kulang!” pagbibiro pa ni Madam Inutz.

Matatandaan namang nag-guest si Madam Inutz sa programang Magandang Buhay, at doon ay inalala niya ang panahong nakatanggap siya ng P137K matapos mag-viral.

Ayon sa dating PBB Kumunity celebrity housemate, nagulat siya kinaumagahan nang makita niya ang mahigit one hundred thirty seven thousand pesos sa kanyang G-cash online wallet.

Ibinunyag niya na noong panahong iyon ay talagang nagsisikap siyang ibenta ang kanyang mga items nang walang bumibili.

Humihiling naman ang kanyang libong viewers na huminto na sa pagbebenta at i-pin na lang ang kanyang Gcash number.

“Hindi ko nga po alam na ‘yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta. Walang mine. Puro pamura lang talaga.”

“Sinasabi nila, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang ‘yung Gcash number’. And then, siyempre ako naman as naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.”

Gayunpaman, matapos makita ng kaniyang pamangkin ang kanyang live selling nang ilang oras na walang benta ay nagpasya itong i-pin ang kanyang Gcash number.

Panoorin ang kanyang pagbili moment:

Post a Comment

Previous Post Next Post