Ang kasal ay isang espesyal na okasyon para sa bride at groom. Sino ba naman ang hindi maaaliw sa kuwentong um-attend pa sa online class ang mismong ikinasal sa araw ding iyun?
Si Ronald Carlton Papa Tan ay isang second year law student. Sinabi niya na noong naka-enroll siya sa University of Baguio, napansin niya na ang isang subject ay naka-schedule pala sa mismong araw ng kaniyang kasal.
“Dumaan sa isip ko na humingi ng excuse sa professor since kasal ko naman. Pero inisip ko, law school is part of building the future of my family,” aniya.
“Plus naisip ko na this is exactly the advantage of online classes for responsible students,” dagdag pa niya.

Nakinig siya sa dalawang oras na lecture sa mismong reception ng kaniyang kasal. Walang ideya si Ronald na kinukunan siya ng video ng kanyang ate at mga kaibigan habang nakikinig siya sa lecture.
Pinanatili naman niyang naka-mute ang kaniyang mic pati na rin ang camera upang hindi maka-distract sa kaniyang mga classmates.
“I make sure to listen sa lecture kasi essential ‘yung learning and I can make it work. Kaya at the end of the day, everything worked out and walang na-distract or na-compromise.”

Talaga nga namang magaling siya sa multitasking na kahit sa araw mismo ng kaniyang kasal ay nagdesisyon pa rin siyang um-attend ng online class. Pinatunayan niya na isa siyang punctual law student.
Sa part naman ng kanyang bride, sinabi ni Ronald na ang kaniyang wife na si Crizante ay nagagalak na malaman na ang pinakasalan nito ay isang responsableng lalaki, na naka-focus sa kanilang kinabukasan.
“Sabi ng wife ko, basta ‘wag lang daw ako sumagot ng ‘present’ sa altar instead of ‘I do’,” nakatutuwang kuwento niya. hahaha

“‘Yung prof ko was cool about it, kasi alam niya na responsible student can learn anywhere he is. And he can appreciate daw the dedication,” dagdag pa niya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipagsabayan siya sa paaralan at personal na mga bagay.
Kahit sa bahay, tinitiyak niyang present siya sa mga family gatherings habang pumapasok sa mga online classes.
Sina Ronald at Crizante ay ikinasal noong Pebrero 8, 2022 sa Tuba, Benguet.
Sila ay labing-isang taon nang magkarelasyon at may dalawa nang anak na babae bago nagpakasal.
Congrats sa inyo and goodluck sa law studies!