Binasag ng teleserye star na si Andrea Brillantes ang kanyang katahimikan noong Abril 11 sa pamamagitan ng Facebook live video, kung saan tumugon siya sa ilang mga intriga at kontrobersiyang kinasangkutan niya nitong mga nakaraang buwan.
“‘Di ko na po pahahabain pa, kaya here is my side of the truth, and I hope you would all listen or at least give me a chance to explain. I would like to address each issue one by one, so please bear with me,” aniya.

Sa kanyang live video, sa wakas ay isiniwalat ni Andrea na sila ni Seth ay talagang naging opisyal na nagkaroon ng relasyon sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan, hanggang sa naghiwalay sila noong Oktubre 2021.
Ang kanilang paghihiwalay ay desisyon nilang dalawa. Ang dahilan nito ay dahil hindi na sila naggo-grow bilang mga indibidwal.
Sa kabila ng kanilang breakup, sinabi ni Andrea na nangako sila ni Seth sa isa’t isa na itutuloy pa rin nila ang pagiging co-stars.
Aminado at ikinalulungkot ni Andrea na may panghuhusga sa isa niyang TikTok video na ngayon ay inamin niyang “made everything worse.”

Walang partikular na binanggit si Andrea sa mga taong sangkot, ngunit tinukoy niya ang isa sa kanila bilang isang kaibigan.
Noong Enero 2022, naging headline siya nang putulin niya ang relasyon sa kanyang kilalang matalik na kaibigan at co-star na si Francine Diaz sa social media.
Noong panahong iyon, lumitaw ang isyu sa kumakalat na larawan na nagpapakita kina Seth at Francine kasama ang pamilya ng huli. Itinanggi ng manager ni Francine na romantically pursuing ang aktor kay Francine.

Kasama sa TikTok video ni Andrea ang mga lyrics mula sa “Lose You To Love Me” ni Selena Gomez, partikular na ‘yung: “I gave my all and they all know it. You turned me down and now it’s showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it.”
Sa kanyang pahayag noong Lunes, tinawag niya iyon na “an honest mistake.”
Panoorin ang buong video.