Diego Loyzaga sinagot ang netizen kung bakit lalo siyang pumopogi; 'stress free'

Masaya ang mga tagahanga ni Diego Loyzaga nang mag-post siya ng ilang larawan sa kanyang Instagram feed.

Ang mga photos ay nakunan mula sa iba’t ibang pagtitipon at isa na rito ay noong BBM-Sara Celebrity All-Star event.

“Proof of life,” nakasaad sa post ng aktor.

Ang post ni Diego ay humakot ng libu-libong likes pati na rin ng maraming komento mula sa kanyang mga followers.

Karamihan sa mga komento ay positibo, at isa sa mga komento ay tungkol sa kanyang hitsura, na nagsasabi na siya ay lalong pumopogi.

“Lalo kang pumupogi,” komento ng isang tagahanga.

Tumugon naman si Diego at sinabi ang dahilan kung bakit siya blooming; “stress free.”

“Ibig ba sabihin nun nakaka-stress si Barbie? Hahaha,” komento ng isang commenter.

Samantala, may iba pang followers na pumuri sa kanya.

“I love you ang hot mo talaga pag Naka jersey basketball.”

Basahin: Diego Loyzaga at amang si Cesar Montano nagkaayos na

Kamakailan ay muling nakasama ng aktor ang ama nitong si Cesar Montano pagkatapos ng pitong taong hindi pagkikita at pag-uusap.

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again,” panimula ni Diego sa kaniyang caption.

Kasunod nito ay humingi rin siya ng tawad sa kaniyang ama sa mga nangyari sa kanila noong siya ay bata pa.

“I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would,” dagdag pa ng aktor.

“One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today,” ani Diego.

Paalala pa ng aktor, dapat pahalagahan at mahalin ang mga mahal sa buhay dahil walang kasiguraduhan ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw.

“Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised,” sabi ng aktor.

Post a Comment

Previous Post Next Post