Angel Locsin namahagi ng mga relief goods sa mga ‘Agaton’ evacuees sa Leyte

Personal na dinala ng aktres at philanthropist na si Angel Locsin ang mga relief goods sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Agaton sa Leyte.

Ang mga larawan ni Angel na bumibisita sa Baybay City Senior High School ay ibinahagi noong Abril 18 sa mga local community pages sa Facebook. Makikitang kasama niya ang kaniyang asawa; ang producer ng pelikula na si Neil Arce.

“Darna is in Baybay. Actress Angel Locsin is here in Baybay City to visit and give relief packs to the typhoon Agaton evacuees at Baybay City Senior High School,” ani Indulge Baybay City.

Si Agaton ay nag-iwan ng hindi bababa sa 172 na sinawimpalad at 110 iba pa ang nawawala, ayon sa pinakahuling tally ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa paglipas ng mga taon, si Angel ay nakikita sa mga hakbangin upang magdala ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kapansin-pansing pinangunahan niya ang mga relief operations para sa mga frontliners at mga komunidad na pinakanaapektuhan sa kasagsagan ng coronavirus pandemic sa Pilipinas.

Kinilala ang Kapamilya star sa buong mundo para sa kanyang humanitarian initiatives. Nakalista siya sa Forbes Asia’s “Heroes of Philanthropy” noong 2019, at noong 2021, ay kinilala bilang isa sa Tatler Asia’s “Most Influential” na mga indibidwal.

Bukod sa pagiging artista, kilala rin si Angel sa kaniyang pagkakawanggawa. Tumulong siya sa pamimigay ng mga relief packs sa mga nakaligtas sa bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020 at nag-donate ng P2 milyon para sa mga biktima ng bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.

Nag-viral naman ang larawan ni Angel kasama si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ang larawan ay kuha umano sa isang evacuation center sa Abuyog, Leyte habang namamahagi si Angel ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide.’ Kinagiliwan ito ng netizens at gumamit pa ng hashtag na #DarnaAtBato.

Samantala, nagawa rin niyang mag-house to house campaign bilang pagsuporta kay VP Leni Robredo at sa grupo nito.

“Kumausap. Makinig. Tao sa tao. Puso sa puso. Sama ka na!” aniya sa kaniyang caption post.

Post a Comment

Previous Post Next Post