Sharon kay Kiko, 'ipinagdasal ko na ang maging asawa ko ay tulad niya'

Ayon kay Megastar Sharon Cuneta sa isang Instagram post, 28 taon na sila umanong magkakilala ng kanyang asawang si Senator at vice-presidential candidate Kiko Pangilinan.

Sinabi rin niya na ginugol nila ang 26 ng mga taon na iyon bilang mag-asawa! Ikinasal sila noong Abril 28, 1996.

“On April 28, 26 years ko na siyang asawa at 28 years na siyang nasa buhay ko,” sabi ni Shawie.

Sinabi ng Megastar na naging bahagi ng kanyang buhay ang senador sa loob ng 28 taon, na mas mahaba pa sa kalahati ng kanyang buhay.

Sa lahat ng mga oras na iyon, sinabi ni Shawie na magkasama sila sa hirap at ginhawa.

“Longer than half my life ko na siya kilala at kasama sa lahat ng hirap at ginhawa,” wika ng aktres.

Inihayag niya na tama ang naging desisyon niya nang kaniyang pakasalan ang kanyang mister dahil hiniling at ipinagdasal niya si Sen. Kiko.

“Tama ang desisyon ko kasi pinagdasal ko na ang maging asawa ko ay tulad niya. Thank you Lord Jesus!” aniya pa.

Kamakailan ay ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account ang surpresang pagbisita ng pamilya niya sa set ng matagal nang serye ng ABS-CBN, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Nag-upload din si Sharon ng video kung saan ipinakita ang pagbisita ng kanyang mga anak na sina Miguel at Miel at asawang si Senator Kiko  sa Ilocos kung saan kinukunan ang action drama.

“Sorry I used a make-up filter kasi ang putla ko! Tuloy, NAMAKEUP-AN KO PATI ASAWA KO AT ANAK KONG LALAKI! Hahahaha!” aniya.

“Surprise visit of my family in Ilocos today!!! Am soooo happy!!’ Thank You, Jesus! They have to fly back to Manila before sunset today, though. That’s okay. Will be home with them soon!” dagdag pa niya.

Base sa mga larawan nina Sharon, makikita kung gaano talaga kalapit ang pamilya ng Megastar at ng Senador.

Ang pagbisita ng kaniyang pamilya ay talagang nagpasaya sa kanya, ngunit ipinahayag din niya ang kanyang pananabik sa mga ito lalo na noong malapit na silang umalis.

“And then they had to go,” saad ni Sharon na may sad emoji.

Post a Comment

Previous Post Next Post