Sa kauna-unahang pagkakataon ay napagbigyan ni Angel Locsin ng isang panayam ang showbiz columnist na si Ogie Diaz na umere sa kaniyang award-winning vlog na ‘Ogie Diaz Inspires’.
Unang inalam ni Ogie ang buhay-may asawa ng aktres. Sa ngayon ay enjoy muna sa buhay si Angel sa piling ng kaniyang mister na si Neil Arce.
Aniya, wala pa raw silang balak na magkaroon ng anak dahil sa problema rin niya sa kaniyang thyroid gland, na tinatawag na ‘Hashimoto disease’.

“Pag okay na siya, saka pa lang mag-baby pero okay kami kasi plano naman talaga namin, chill kami,” ani Angel.
Marami pa raw silang gustong i-look forward ni Neil bilang mag-asawa ngunit napurnada dahil sa pandemya.
Pagdating naman daw sa kaniyang mga kaibigan na sina Dimples Romana at Angelica Panganiban na parehong nagdadalantao ngayon ay hindi naman daw siya nakararamdam ng pressure.

“I’m happy for them, ang tagal nilang hinintay ‘yun. Pinagplanuhan nila ‘yun talaga. Darating din tayo diyan. Happy rin ako na wala pa ko sa ganu’ng position, sa totoo lang.”
“Pag oras mo na talaga, pag tingin ni Lord na you’re ready bibigyan ka naman niya ng blessing, eh.”
Kung sakali naman daw na magkaka-baby siya ay gusto raw niya na maging hands-on din sa pag-aalaga rito, kagaya ng kaibigang si Anne Curtis, na hanggang ngayon ay urong-sulong sa muling pagbabalik sa noontime show na ‘It’s Showtime’.

“Pag nagkaroon ako ng anak, gusto ko rin hands-on mom ako.”
Sa kanilang pagsasama ng kaniyang asawa ay mas natutuklasan daw nila ang mga katangian ng isa’t-isa.
Pagdating naman daw sa pagluluto ay mas masarap daw magluto si Neil dahil may mga negosyo itong restaurant, kaya hindi isyu sa kanila kung sino ba ang magluluto.
Ikinasal sina Angel at Neil sa isang simpleng civil wedding noong Hulyo 26, 2021, subalit ibinunyag lamang nila ito sa publiko noong Agosto 7, 2021.
Panoorin sa YouTube channel ni Ogie:
