Herlene 'Hipon' Budol humingi ng tawad matapos 'nakawan' ng halik si Alden Richards

Inulan ng mga negatibong komento ang Tiktok video ni Herlene ‘Hipon’ Budol matapos niyang nakawan ng halik sa pisngi si Alden Richards.

“Parang Manika si Alden walang lait pogi,” aniya sa kaniyang caption.

Mapapansin namang tila hindi komportable si Alden sa nangyari.

“Ilang beses ko inulit ung video bakit umiiwas ata si Alden,” puna ng ilang netizens.

“Ba’t parang iwas na iwas si Alden at ayaw magpakiss at hug hahahaha.”

“Di rin kase okay ‘yung ginawa nya e.”

Mabilis namang in-acknowledge ni Herlene ang mga komento ng mga netizens, kaya nagpaabot siya ng kaniyang paghingi ng tawad sa mga nasaktan sa kaniyang mga aksyon at nagpaliwanag na nag-sorry na rin siya kay Alden.

Aniya, “Sorry po sa mga nailang para kay Alden nag sorry po ako after at nag paalam din.”

Samantala, matatandaan na naging emosyonal si Herlene nang makabili na siya ng kaniyang dream car.

Ginamit ni Herlene ang kanyang kinita mula sa kanyang vlog channel, na sinimulan niya noong 2020, para mabili ang kotse.

Ibinahagi naman niya ang masayang kaganapan sa kaniyang YouTube channel sapagkat sa wakas ay nakuha na rin niya ang kanyang dream car.

“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa pangyayari, mga KaSquammy. Dream come true at para akong nananaginip,” emosyonal na kuwento ni Herlene.

Basahin: Dream come true: Herlene Budol emosyonal na nabili ang kanyang pinapangarap na sasakyan.

Usap-usapan naman sa social media na sasabak sa Bb. Pilipinas si Herlene kung saan kinumpirma niya ito sa isang panayam sa vlog ni Karen Davila kamakailan.

Aniya, ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino ang nanghikayat sa kaniyang tuluyang pasukin ang mundo ng pageant.

“Minotivate po ako ni Sir Wilbert kasi siya po ‘yong nakakita sa potential ko. Parang sabi nila, para ma-boost pa ‘yong confidence ko, maging maganda ako sa paningin ko. Kasi hindi po ako nagagandahan sa sarili ko e,” pag-amin niya.

Basahin: Herlene ‘Hipon’ Budol, sasabak sa Bb. Pilipinas.

Post a Comment

Previous Post Next Post