Mommy Juday at Lucho masaya sa pagbabalik nito sa face-to-face classes matapos ang dalawang taon

Masayang ibinahagi ni Judy Ann Santos-Agoncillo na ang kanyang anak na si Lucho ay muling magbabalik sa face-to-face classes sa paaralan.

In-upload pa niya sa IG story ang cute niyang video kasama si Lucho. Ang bata ay nagpahayag ng kaniyang pananabik tungkol sa pagbabalik sa paaralan habang sila ay nasa kotse kung saan makikita si Lucho na nakasuot ng uniporme ng boy scout.

Tila hindi mapigilan ni Judy Ann at ng kaniyang anak ang kanilang pananabik dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng kaniyang unang harapang klase mula nang magsimula ang pandemya.

“Sa sobrang excited, we’re 45 minutes early. At least walang nerbyos ma-late,” ani Judy Ann sa kaniyang caption post.

Kinomfort naman ng aktres ang kaniyang anak at sinabing he’ll do great matapos sabihin ni Lucho na bukod sa excitement ay nakaramdam din siya ng kaba.

“My stomach is in knots and my heart is beating so fast because I haven’t been to the school in two years,” ani Lucho.

“But now I’m going to the school and learning there,” dagdag pa niya.

Noong Enero, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na nasa alert level one at two.

Mahigit 10,000 paaralan ang pinahintulutan kamakailan ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang in-person classes.

Gayunpaman, ang mga mag-aaral na kalahok sa mga personal na klase ay dapat may pahintulot mula sa kanilang mga magulang at tanging mga nabakunahang guro lamang ang maaaring magsagawa ng mga klase.

Samantala, nagkaroon ng unang pagbabakuna sa COVID-19 si Lucho noong Pebrero kasama ang kanyang kapatid na si Luna. Sinamahan sila sa isang drive-through vaccination site ng kanilang mga magulang.

[Basahin: Judy Ann, happy mom dahil nakatanggap na ng bakuna sina Lucho at Luna laban sa COVID-19]

Matatandaang sa isang vlog ay kasama niya ang kapwa aktres na si Meryll Soriano. Ang kanilang pag-uusap ay humantong sa pagbabahagi ni Judy Ann ng isa sa kanyang mga karanasan sa isang love team na nag-snubb sa kaniya at sa iba pang matatandang celebrity.

“Ang isa sa mga na-experience ko ‘yung bagets, love team ito at medyo kilala, ‘yung dumaan lang. Hindi ka naman nagha-hanap ng atensyon pero ‘yung respeto lang. Parang marami naman ding mga artista nung mga time na ‘yun na di hamak na mas matanda sa kanila. Ako, hindi na ‘yung respeto sa status e, ‘yung respeto lang sa nakakatanda.”

[Basahin: Juday ibinahagi ang ‘pang-iisnab’ daw sa kaniya ng batang love team]

Panoorin ang mother-son moment:

Post a Comment

Previous Post Next Post