Isinilang ng singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang unang anak sa kanyang non-showbiz boyfriend noong Miyerkules Abril 27.
Ibinahagi ni Angge ang magandang balita sa lahat ng kanyang fans at followers sa pamamagitan ng sunud-sunod na post sa Instagram Stories.
Sa isa sa kanyang mga post, ibinahagi ng 32-anyos na singer ang isang larawan ng isang orasan sa ospital, na ipinapakita ang oras nang iniluwal na niya ang kanyang anak na lalaki.

“10:22 PM 27 April 2022 Hello!!! Baby SYLVIO,” saad sa caption ni Angeline.
Sa kanyang social media post noong Miyerkules ng gabi, ibinunyag ni Angeline na manganganak na siya nang mag-upload siya ng snap ng kanyang baby bump. Ibinahagi rin niya ang kanyang larawan sa loob ng silid ng ospital.
“Ready to pop!,” ayon sa post ni Angeline na handa na para manganak.

Sa pinakabago niyang post sa IG ay ibinahagi na niya ang “Motherhood. UNLOCKED!” photo nilang mag-ina. Waging-wagi ang pakiramdam ng first-time mom.
Bumuhos ang pagbati mula sa kaniyang mga followers at mga kaibigan sa showbiz industry.
Basahin: It’s a boy: Vice Ganda naghanda ng gender reveal party para kay Angeline Quinto
Noong Enero, sa vlog ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, ay ibinahagi niya ang inihandang gender reveal party para sa kaibigan.
Sa kaniyang Instagram post naman, masayang ibinahagi ng singer ang kaniyang good news. “ITS A BOY!!! Sa wakas mai-she-share ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby,” aniya.

“Siyempre, masaya pa rin ako. Masayang masaya ako, pero hindi ko inexpect talaga na lalaki. Ang buong pag-aakala ko, babae talaga,” aniya.
Nagpasalamat din siya sa pamilya ni Vice na nag-organize ng gender reveal party para sa kaniya. “Guys, nakita n’yo itong moment na ‘to. Nagpapasalamat ako sa Viceral family. Alam ko na kahit wala ako sa Pilipinas, may magpapaaral sa anak ko,” biro niya.
Basahin: Angeline Quinto ipinasilip ang kanyang non-showbiz boyfriend sa unang pagkakataon
