Vice ikinuwento ang kakilala niyang naging troll; Juliana umalma sa blind item?

Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda sa kanyang naikuwento sa noontime program na ‘It’s Showtime’ tungkol sa kanyang kakilala na aniya ay naging troll dahil kailangang-kailangan ng pera.

Ayon kay Vice, pumayag umanong maging troll ang kakilalang ito na alam naman niyang mabait pero dahil gipit at kailangan ng pera, pumayag itong manira nang manira sa social media bilang trabaho.

“Sa totoong buhay hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Ta’s nalaman ko troll siya. Trabaho kasi wala siyang pera eh. Ginawa niya ‘yun, kumapit siya doon kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” aniya.

“Masakit man pero ‘yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin. Hindi man katanggap-tanggap pero wala siyang choice,” dagdag pa niya. Nabanggit pa niyang nagpapa-GCash pa ito sa mga bakla noon kapag walang-wala talaga.

Samantala, tila pumalag naman ang kapwa komedyante ni Vice na si Juliana Parizcova Segovia sa isang issue na tila kaugnay sa blind item ni Vice tungkol sa kakilala na naging troll na nagpapakalat ng fake news at nakikipag-away sa social media.

Nagbahagi kasi ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ng screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Juliana patungkol sa ‘panghihingi sa GCash’ sa isang tao na hindi rin naman pinangalanan.

“Iniisip ko nga hanggang ngayon ni isang beses wala sa kanya o sa mga kadikit n’ya ang hiningan ko ng gcash kahit singkong duling. Nu’ng wala akong pera at trabaho nag-online ukay-ukay ako sa FB Live, nagtinda ako ng pares at mami pero never ako nanghingi sa kanya o sa kanila,” ani Juliana.

Tinanong naman siya ni Darryl kung sigurado ba ito, na nireplyan naman ng komedyante ng, “Siguradong-sigurado ako Direk. Never akong nanghingi sa kanya.Kahit minsan sinasabi sa’kin ng mga bakla lumapit ako sa kanya never ko ginawa. Unang-una nahihiya ako dahil alam ko hindi naman kmi ganon ka-close kaya ba’t ako hihingi.”

Wala namang sinabi si Juliana kung si Vice nga ang tinutukoy dito.

Payo naman ni Darryl sa kaniya, “Kung gayon, wag ka nang magpaapekto. Iniisip n’ya na kalaban ka n’ya. You are the size of your enemy. Giginhawa rin ang buhay mo at ang naramdaman mong pangmamaliit ngayon ay ang pinakamalaking paalaala sayo na hindi ka hihinto hanggang maging matagumpay ka. Lahat ng sinabi niya ay repleksyon n’ya. Nandito lang kami ni Rio at Senator.”

Samantala, wala namang nag-name drop kina Vice at Juliana ngunit matapos ang kuwento ni Vice, mayroong mga nag-tag Kay Juliana pati sa Twitter; dahilan upang ikonek ang dalawang komedyante.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post