Pokwang may patutsada kay Rado Peru, Thaddeus Durano hinggil sa kaniyang post sa mga trolls; Thaddeus nag-react

Nagpahayag ng mensahe at minention ni Pokwang  si Rado Peru sa pamamagitan ng Facebook, isang direktor sa GMA Network hinggil sa kaniyang post sa mga trolls.

Tinawag niyang napaka-unprofessional ng direktor at hinimok itong basahin nang mabuti ang kanyang tweet.

Ayon sa tweet ni Pokwang, shinare nito ang isang post ng rappler hinggil sa biniling Twitter ni Elon Musk. Aniya sa kaniyang caption, “Katapusan n’yo na mga trolls!! next naman sana tiktok at FB na nag aalaga at nagpapalaki ng mga trolls na yan!!”

Ang nasabing post ni Pokwang ay ginamit ng direktor sa Facebook kalakip ang mensahe na nagsasabing, “boboto ‘yung mga tinawag niyong trolls sa May 9 at ipamumukha namin sa inyo kung sino ang gusto namin at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin.”

Tinanong tuloy ng comedienne kung troll ang director kaya naman na-trigger siya sa post nito.

“Sino nakakakilala sa napaka unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? Basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan, trolls ang sinabi ko!! Troll ka ba kaya ka triggered?”

Binigyang-diin ni Pokwang kung paano umano siya binantaan ng direktor at ginamit pa ang kanyang larawan, at sinabing maaari pa siyang magsampa ng kaso laban sa direktor.

May mensahe rin si Pokwang sa aktor na si Thaddeus Durano kung saan ay nagkomento ito sa post ni Rado. Nagalit umano ang komedyante sa komento ng aktor, na si Pokwang raw ay “nagfi-feeling Ai-Ai.”

“At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? Nag fi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahhaa unang una, oo sikat ako kumpara sa’yo tah ka plastik ka!!!”

Isiniwalat din ni Pokwang na nagiging sabit lamang si Thaddeus sa mga movies ng kanyang mahal na direktor dahil nagagalit umano ang aktor kapag hindi siya kasama sa mga projects ng direktor.

“Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto nya!”

“Kapal ng mukha mo! kung sino man mga friend n’ya dito paki paabot sa kanya ito plastik sya!!”

Samantala, sa ulat ng Pep ay nag-react si Thaddeus ukol sa pahayag ni Pokwang. Sinubukan din nilang kunin ang pahayag ni Direk Rado, ngunit tumanggi siyang magsalita.

Post a Comment

Previous Post Next Post