Archie Alemania sinagot ang 'Game over, Archie' remarks ni Gab Valenciano

Sinagot na ng Uniteam supporter na si Archie Alemania ang ‘Game over, Archie’ remarks ni Gab Valenciano sa kaniya, matapos maging usap-usapan kamakailan ang video ng komedyante at host na ginagaya nito ang dance moves ng anak ni Gary Valenciano.

“Game over, Archie,” ani Gab sa kaniyang tweet nitong Abril 24, matapos ang sortie ng Leni-Kiko tandem sa Pasay City.

Ibinahagi ni Gab ang litrato nila ng amang si Gary gayundin ang kopya ng TikTok video ni Archie habang ginagaya siya, na ibinahagi naman ng isang netizen, “Hirap talaga kapag laos na komedyante,” sabi ng netizen.

Nakarating naman kay Archie ang pabirong parinig ni Gab sa kaniya, kaya nag-post rin ito sa kaniyang Instagram.

“Nag pra-practice na kami abangan n’yo #joketime #wagseryosohin #garrylim,” saad sa caption ni Archie. Makikita na kasama niya sa litrato ang komedyanteng si Gary Lim.

Samantala, bago sumabak si Gab sa entablado ay hindi umano niya napigilan ang maging emosyonal.

“I couldn’t hold back my tears before I stepped on stage because everything you see me do, I learned from a man who helped mold me to who I am today. My dad, @garyvalenciano,” aniya sa kaniyang Instagram post.

Inihayag rin niya kung gaano siya karangal na makapaglingkod sa bansa.

“There is no greater honor than to serve your country, and to do it this way just leaves me speechless. I love you so much, papa.”

Pinasalamatan din niya ang kanyang ina na si Angeli Pangilinan, na aniya ay haligi ng kanilang lakas, at isa sa mganagde-define kung ano ang isang empowered at faithful na babae.

“And of course to my mom @angelipv who has always been our pillar of strength as individuals and as a duo. You truly define what it means to be an empowered, faithful and resilient woman. I love you so much.”

Basahin: Gary V umakyat na sa stage, nagtanghal kasama si Gab sa birthday rally para kay VP Leni.

Post a Comment

Previous Post Next Post