Lyca Gairanod emosyonal nang bisitahin ang amang nasa ospital; 'Pagaling ka na, Papa'

Hindi naiwasang maging emosyonal ng singer at aktres na si Lyca Gairanod nang bisitahin ang amang nakaratay sa ospital.

Sa kanyang Fb post noong Abril 22, ang The Voice Kids champion ay naluluhang makita at pinagmamasdan ang ama sa salamin habang kinakausap ng kanyang ina.

“Love you, Papa. Pagaling ka,” saad sa caption ni Lyca. Hindi ibinunyag ang dahilan sa likod ng pagkaka-ospital ng kanyangh ama.

Sa isa pang video, inihayag ni Lyca kung paanong hindi siya sanay na nakikitang may sakit ang kanyang ama, lalo na’t siya ang palaging malakas at masigla sa kanilang pamilya.

“Hindi kami sanay na nakikita namin si Papa na ganyan. He’s a very strong man, hindi kami sanay na ganyan siya. Kasi [siya ‘yung] si gulo sa amin. ‘Yung ‘pag gigising ka sa umaga siya ‘yung nanggulo sa’yo. Siya ‘yun lagi,” pagkukuwento ng singer.

Dagdag pa niya, “ganun si Papa. ‘Yung ugali ko, ugali niya rin. Terno-terno kami.”

Sa pagtatapos ng video, paulit-ulit na sinabi ng aktres sa kanyang ama kung gaano nila ito nami-miss: “Gising ka na d’yan, magkakantahan pa tayo. Pagaling ka na, uwi na tayo.”

Pinagdasal naman ng kanyang mga followers at ng ibang netizens ang kanyang ama na mapabilis ang paggaling nito.

“Praying for your healing. In the mighty name of Jesus. Amen. God bless”

“God protect you and his healing power in jesus name,get well soon!!!”

“Lord God, please heal the father of Lyca with your mighty hand. Thank you God.. IN JESUS NAME”

Siya ang nanalo sa unang season ng “The Voice Kids” taong 2014.

Pagkatapos niyang magwagi sa kompetisyon, inilabas niya ang kanyang unang studio album na Puwede Nang Mangarap noong 2015.

Naging bahagi din siya ng iba’t ibang programa sa telebisyon sa ABS-CBN tulad ng Your Face Sounds Familiar Kids (Season 1) at ASAP.

Basahin: Lyca Gairanod aawit sa UniTeam, netizens nagsabing ‘Huwag i-cancel, minor ‘yan!’

 

Post a Comment

Previous Post Next Post