Napansin ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang laki ng tiyan ng aktres na si Jennylyn Mercado, na diumano’y baka malapit nang manganak . Pinuri rin niya ang konsepto ng maternity pictorial nito, at sinabing napakasaya niya sa kanyang maternity poses.
“Nakita mo ba iyong pictorial ni Jennylyn Mercado na ang laki ng tiyan dahil malapit ng manganak Salve? Cute ha, maganda ang concept at mukhang very happy si Jennylyn sa kanyang mga maternity poses,” ani Manay Lolit.

Pagkatapos ay napansin niya ang matiwasay na mukha ni Jennylyn sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis.
“Mukhang at peace si Jennylyn sa ikalawa niyang pagbubuntis,” aniya. Idinagdag niya na malaki na ang panganay ng aktres na si Jazz at mukhang buddy na sila ni Dennis Trillo, at malapit na rin kay Calix.
“Malaki na ang first niya na si Jazz na mukha naman kasundo ni Dennis Trillo at ng anak nito na si Calix. Ngayon na may 2nd na si Jennylyn at Dennis mukha naman magiging masaya ang kanilang pamilya.”

“At haharapin na nila ang kanilang mga career. Safe delivery Jennylyn Mercado, stay strong and healthy for your growing family. Bongga.”
Samantala, ibinahagi ni Jennylyn sa Instagram ang kaniyang maternity shoot at nagpasalamat rin ito sa kaniyang photographer at sa iba pang tumulong upang mapaganda ang kaniyang maternity shoot.

Aniya, “Thank you @bjpascual for bringing to life the maternity shoot of my dreams. Wala ng tutulad sayo. Love you and your talent.”
“Thank you also @justine_arcegabumanlag for the pasavogue set design! And of course to my talented bessies at ang punong abalang mayora, @ajalberto and @iancovinarao — thank you! Thanks also to the talented @mikkamarcaida and @santiagoraymond for my hair and makeup! And syempre, thank you @jandemic_, my RM sa pagalaga. Thank you team for making my pregnancy journey extra special.”
Ibinahagi rin nito sa isang post ang ginagawa niyang pag-aalaga sa sarili sa kanyang journey to motherhood.
“Pregnancy is an incredible and beautiful journey. While we are growing life within our bodies, we still need to treat and reward ourselves with self love!
I take Pure Beauty Collagen not only to have fair and glowing skin, but also to have a healthier and stronger body throughout my pregnancy journey.”
View this post on Instagram