Robin Padilla labis na nasaktan nang hiwalayan ni Liezl na kaniyang unang misis noon

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Robin Padilla inamin niyang labis siyang nasaktan noon sa naranasan niyang pakikipaghiwalay sa kaniya ng unang misis na si Liezl Sicangco.

Isa ito sa mga naitanong sa kaniya ni Toni. Ayon kay Robin, hindi sa mga naging nobya niyang artista siya labis na nasaktan kundi sa ina ng ngayo’y aktres na rin na si Kylie Padilla.

Aniya, hindi raw siya handa sa hiwalayan subalit isa sa nakikita niyang dahilan ay ang mga kalokohan niya na tila inipon lahat ni Liezl at ibinalik sa kanya.

“Masakit ‘yun kasi ako ang dinivorce e, ako ang dinivorce!” Inamin niyang na-depress siya sa pangyayaring ito na muntik pang naging rason upang kitilin niya ang sariling buhay.

Aniya ay sinagip lamang siya ng kaniyang aso noong time na labis ang kanyang depresyon; kung saan pinaniniwalaan ng mga matatanda na ang nangyari sa aso ay ‘sagip-buhay.’

Samantala, ibinahagi rin niya ang kaniyang naging buhay noon sa bilibid. Hindi napigilan ni Robin ang kaniyang damdamin kaya ito ay naging emosyonal.

Noong siya ay nabilanggo ay doon pa umano siya natutong maging madasalin.

“Pagpasok ko ng selda, ‘alika ka rito’ sabi nung mayor. Kalbo yung mayor e, si Mayor Bunsoy. Laki, laking tao kalbo. ‘Eto na gulpihan na ‘to. Maupo ka dito sa gitna, gitna e. Tinitingnan ko ngayon ‘yung mga mukha nito, naku! 60 sila e. Dito ka lumuhod ka, naku! Eto na yata. Pinaluhod ako, ‘yun pala Born Again. Pray-over nila ako, ganun. Dasal sila, so umiyak ako. Kasi mali lahat ng konsepto ko. Naiyak talaga ako nung pinagdadasal nila ako,” paglalahad niya.

“E parang binuhusan ako ng malamig na tubig e. Iniisip ko away, iniisip ko hindi! Very religious sila. Pagkatapos ng dasal may mga pagkain. Winelcome ako,” naiiyak na sabi ni Robin na kumuha na talaga ng tissue upang pahirin ang kanyang luha.

Panoorin ang buong video para sa iba pang nilahad niya:

Post a Comment

Previous Post Next Post