Si Zeinab Harake at ang kanyang partner na si Skusta Clee, na ang tunay na pangalan ay Daryl Ruiz, ay naging usap-usapan dahil sa Instagram post ng vlogger.
Kapwa hindi kinukumpirma o tinatanggi nina Zeinab at Daryl ang mga espekulasyon online, ngunit napansin ng mga netizens na tila dinelete ng vlogger ang mga larawan ni Daryl sa kanyang Instagram account. Isa rin sa mga napansin ay ang pag-unfollow ni Zeinab kay Daryl.

Ito ang nagtulak sa mga tagahanga ng mag-partner na magtaka kung sila pa ba o hindi na. Kasalukuyan namang hindi naglalabas ng opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.
Kapansin-pansin din na naka-follow pa rin si Daryl kay Zeinab at hindi pa rin binubura ang kanilang mga larawan sa app.

Napansin ito ng mga netizens sa gitna ng post ni Zeinab, kung saan kamakailan lamang ay ginulat ni Zeinab ang mga netizens nang magluksa siya sa pagpanaw ng kanyang baby boy na si Moon Harake, na may caption na talagang ikinalungkot ng marami.
“My baby boy, rest ka na. Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo. Bantayan at palakasin mo kami palagi. ‘Di ka mawawala sa puso namin, Moon. Be our forever angel. Mommy loves you so much,” wika ni Zeinab sa caption ng litrato na may nakasaad na petsang “04-11-22”

Sa isang litrato ay makikita rin si Zeinab na hinahalikan ang pinaglalagyan ng abo ni Moon; isang nakaaantig na eksena na lalong nagdala ng lumbay sa mga sumusubaybay sa kanya.
Ang mga komento ng mga netizens at celebrity friends ni Zeinab ay nagpapakita kung paano nila hinihikayat ang sikat na vlogger na manatiling matatag.
Napansin din ng mga netizens na wala sa mismong burol ang partner nitong si Daryl.
Basahin: Zeinab sa namÃ¥yapÃ¥ng anak na si Moon: ‘Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo’