Ate Vi ibinahagi kung bakit nagpahinga muna sa pulitika nitong eleksiyon

Ibinahagi ni Vilma Santos kung bakit pansamantala muna siyang nagpahinga sa pulitika at hindi tumakbo sa alin mang government position ngayong eleksyon.

Sa programang ‘Wowowin’ kung saan guest ni Willie Revillame si Luis Manzano, tinawagan ng dalawa ang ‘Star For All Seasons’ para sa masayang huntahan.

Nagkabukingan at nagkabiruan pa na si Vilma pala ang nagkasal noon kay Willie sa Batangas noong gobernadora pa ang beteranang aktres.

Bukod sa kumustahan at kulitan, isa sa mga napag-usapan nila ay kung bakit hindi muna sumabak sa pulitika si Ate Vi ngayong 2022 election.

“Are you running?” tanong ni Willie kay Vilma na matatapos na ang termino bilang kinatawan ng 6th District ng lalawigan ng Batangas.

“I took a backseat. Hindi ko kinaya yung pressure ng COVID-19 before,” paliwanag ni Vilma.

Bukod dito, may kinalaman din raw sa kaniyang kalusugan ang dahilan kung bakit nagpahinga muna siya.

“At saka hindi ako in-allow ng doktor ko kasi sa edad ko rin. Hindi pupuwede if I will go around the Philippines,” bahagi ni Ate Vi.

“Hindi pupuwede, magiging unfair ako sa boboto sa akin pagka itinuloy ko,” dagdag pa ng mommy ni Luis Manzano.

Noong isang taon pa kinumpirma ni Ate Vi na hindi muna siya tatakbo sa alinmang posisyon dahil na nga rin sa naging epekto sa kaniya ng COVID-19 pandemic.

Isa sana siya noon sa mga kinukunsidera ng ilang partido para maging pambato bilang senador o kaya ay maging bise presidente.

Sa kabila nito, hindi naman daw nangangahulugan na titigil na rin siya sa paglilingkod sa kaniyang mga kababayan sa Batangas.

“I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity. Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo!” ani vilma sa isang panayam Oktubre noong nakaraang taon.

Samantala, ang mister naman ni Vilma Santos na si Senate Majority Floor Leader Ralph Recto ay susubukang palitan ang kaniyang misis bilang congressman sa nabanggit na distrito.

Tiyak na ang panalo ni Ralph Recto dahil wala itong kalaban. Suportado rin ng senador ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno.

Video ng kulitan nina Willie at Luis sa Wowowin:

Post a Comment

Previous Post Next Post