Kakampink Andrea sinusubukang i-convert ang boyfriend na supporter ni BBM: 'But I respect him'

Tinanong ng YouTube channel na Pikapika Showbiz ang young actres na si Andrea Brillantes tungkol sa kanyang political views at kung paano makukumbinsi ang boyfriend nito na maging isang ‘kakampink’.

Ibinunyag ng aktres, na supporter ni Vice President Leni Robredo, na ang boyfriend niyang si Ricci Rivero ay supporter ng dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. – ang political rival ni VP Leni.

Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, iginagalang nina Andrea at Ricci ang mga kandidatong sinusuportahan ng isa’t isa.

“I am trying, ‘wag kayong mag-alala. I’m trying like ilang months na,” aniya pa. “He supports me supporting Leni [Robredo] at sobrang na-appreciate ko na ‘yun.”

“Lagi niyang sinasabi, I’ll support you, supporting Leni. Sabi ko, in the future tatanggalin mo ‘yung ‘you,’” pagbibiro ng aktres sa kanyang boyfriend.

Gayunpaman, magalang umanong sinusubukan ni Andrea na kumbinsihin si Ricci na si VP Leni ang dapat niyang iboto sa 2022 Election. Ngunit kahit na hindi magbago ang isip ni Ricci, sinabi ng aktres na patuloy nilang rerespetuhin ang isa’t isa.

“‘Yan ang aking goal pero nirerespeto ko siya kasi nirerespeto niya rin ako. ‘Yun naman yung importante. Kahit magkaiba kami ng paniniwala at gusto pero may respeto pa rin kami sa isa’t isa, pero I’m trying pa rin,” wika pa niya.

Hindi lamang ang kanyang boyfriend ang gusto niyang i-convert to kakampink kundi nananawagan rin siya mga nanay, tatay, kapatid at kung sino pa na iboto ang tumatakbong presidential candidate na si VP Leni.

Basahin: Andrea Brillantes, nag-Yes na kay Ricci Rivero; Xian Gaza may pasaring

Matatandaang sinagot ng aktres ng ‘Yes’ ang binata matapos manalo ng team ni Ricci sa score na 83-76 laban sa FEU Tamaraws. Nagkaroon ng public announcement si Ricci na ikinakilig naman ng marami sa loob ng arena.

“Can I ask Blythe to be my girlfriend?” tanong ni Ricci habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na “YES” at “NO.”

Naghiyawan nang malakas ang mga tao sa loob ng arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na ‘YES’; kumpirmasiyon na sinasagot na nga niya si Ricci na maging opisyal na ang kanilang relasyon.

Post a Comment

Previous Post Next Post