Auto-choppy rin ba ang anak mo kapag usapang module na?
Nag-viral sa Tiktok ang video ng isang ina, matapos nitong ibahagi ang video call nila ng anak na si Prince sa social media , 9-anyos.
Sa video, tinanong ni Khim Bino ang kaniyang anak tungkol sa kanyang bagong laruan, na maayos niyang sinagot.
“New toy mo ‘yan?” ani Khim habang ka-videocall ang anak.
“Oo mommy, nag-mall kami nina daddy sa Timezone bumili kami ng ganito,” ani Prince habang hawak hawak ang kaniyang bagong biling laruan.
Ngunit tila nagkunwaring na-auto choppy ang bata nang tanungin na ito ng kaniyang ina hinggil sa module nito.

“Ahh natapos mo na module mo?”
“Hello mommy? choppy ka,” pagkukunwari ng bata na tila hindi pa natatapos ang kaniyang module.
“Did you finish na? ‘Yung module mo kung natapos na?” tanong uli ng ina.
“Mommy choppy ka no joke. Promise,” umaarte si Prince na parang may problema sa kaniyang internet connection.
Iniba naman ni mommy Khim ang kaniyang tanong at dito ay maayos namang naririnig ni Prince kaya sumagot ito nang maayos.
“Maganda ‘yung toy mo?”
“Oo maganda siya.”
Inulit muli ni Khim kung natapos na ba ni Prince ang kaniyang module, ngunit hindi naman makakuha ng sagot ang ina.

“‘Yung module mo kung natapos na?”
“Ay sorry choppy, hello? hello, nawawala,” ani Prince.
Medyo naiinis na ang ina dahil sa paulit-ulit nitong tanong sa anak na iniiwasan naman nitong sagutin.
“Prince Gab, ‘yung module mo?”
Ngunit iniba naman ni Prince ang usapan at sinabing, “Naka-zero, naka isang bar na lang oh tsk tsk. Naka isang bar ‘yung ano signal.”
“Oh ba’t naririnig mo pala?”
“Hindi ngayon, minsan bumabalik siya,” ani Prince.

Wala namang choice si Khim kundi tumawa sa kalokohan ng anak.
“No’ng una po, ‘di ko naisip agad na nagloloko siya. Pero mga kalagitnaan, alam ko na po kasi silly minsan si Prince pero mabait na bata.”
Sinabi ni Khim na tulad ng ibang mga magulang, nahihirapan din silang tapusin ang lahat ng school modules.
Pero hindi niya inaasahan na magiging viral ang video dahil gusto lang niyang i-keep sa social media ang kanilang mga alaala.
Regular na ibinabahagi ni Khim ang mga video ng kaniyang pamilya sa kanyang TikTok account at Facebook page na “The GV family” kung saan ang mga netizens ay natutuwa sa kanilang masasayang sandali bilang isang pamilya.
“[Para] pag tanda ni Prince mapapanuod niya ‘yung mga moments namin like that.”
Panoorin at baka relate din kayo. lol!
@khimbino.usi #videocall #module #bow #prince #myson #momandson #goals #silly #boy #viral #kid #titkok #fypシ #fypdongggggggg #fyppppppppppppppppppppppp #family ♬ original sound – Khim bino-usi🏳️🌈🇦🇺🇵🇭 – Khim bino🏳️🌈🇦🇺🇵🇭