Sa isang panayam kay Awra Briguela, natanong siya kung sino ang limang taong gusto niyang pasalamatan. Isa na umano rito si Vice Ganda na sabi niya ay kanya nang manager ngayon.
Si Vice ay kabilang sa mga taong gustong pasalamatan ni Awra dahil siya lang daw ang isang taong nakaintindi sa kanya sa kabila ng mga negatibong isyung lumabas tungkol sa kaniya.
Bukod sa maraming naitulong ang comedian-host sa kanya, ito rin daw ang itinuturing niyang godmother sa showbiz.

Humingi rin siya ng paumanhin kay Vice dahil sa ilang taon na rin daw silang hindi nakapag-usap.
Inamin din ni Awra na sa kasalukuyan ay si Vice na ang kanyang manager. Pumirma umano sila sa kontrata noong Pebrero.
Matatandaang si Vice ang nagbigay sa kaniya ng atensiyon na naging daan upang siya ay sumikat pa. Bukod kina Coco Martin, isa din si Vice sa mga gumabay sa kaniya sa mundo ng showbiz.

Isa rin sa mga pinasasalamatan niya ay si Coco Martin dahil ito ang nagbigay sa kanya ng oportunidad. Ito rin ang nagturo sa kanya ng maraming bagay lalo na sa kanyang pag-acting pagdating sa trabaho.
Gusto niya ring humingi ng sorry kay Coco dahil hindi niya natupad ang gusto ni Coco para sa kanya na maging isang versatile actor.
Gayunpaman, mas gusto raw ni Awra na maging performer na artist kaya iyon ang kanyang tinahak na daan sa kanyang career sa kasalukuyan.

Matatandaan na ipinagdiwang ni Awra ang kanyang ika-18 kaarawan noong Marso kung saan opisyal na niyang tinaggap ang pagiging adult niya sa pamamagitan ng isang debut party na may temang “Euphoria”
Nagsuot ng asul na strapless na damit ang batang komedyante sa kanyang party, habang napalilibutan siya ng iba’t ibang bulaklak at lobo, na makikita sa sunud-sunod na post sa kanyang Instagram account noong Marso 28.
Ginanap ang event sa Luljetta’s Hanging Gardens Spa sa Antipolo at kinuhanan ng larawan ng Nice Print Photography.
“Y’all made my 18th birthday even better, to my 3.4M followers, thank you and let’s have a toast,” aniya sa kanyang mga fans.
“Grateful for small things, big things and everything in between,” dagdag pa niya sa isa pang post.
Panoorin.