Ang Lolo Smart Youtuber ay masayang nakatanggap ng silver play button mula sa YouTube.
Ipinost ni Tatay sa kanyang FB wall ang pasasalamat, “Todong HAPPY po kami dito sa unboxing po nito … Sa tatlong tao na may mabuting puso na nag-share ng ating Lolo Smart Channel” ayon sa Lolo Rodel page.
Marami ang kanyang pinasasalamatan sa leveling up na nakamit — sina Labambanito Lantican, Ninong Ry, Mayora at mga followers ng Home Buddies. Gayun din sa iba pa na hindi man lahat ay nabanggit ngunit nagpasalamat pa rin siya.

Kamakailan ay nag-viral ang video ni Lolo Rodel kaya naman marami ang nag-subscribe sa kanya.
Ibinibigay ang Silver Play Button kapag naabot ng creator ang 100,000 subscribers. Gold ang kasunod kapag nakamit ang 1,000,000 subscribers. Diamond naman ang mapapasaiyo kapag may 10,000,000 subscribers at Red Diamond naman kapag naka-jackpot ka ng 100M!
Basahin: 67-anyos na Lolo, nagtuturo nang libre sa pag-aayos ng mga sirang appliances at iba pa
40 taon na palang repair man si Lolo o si Rodel Pacis, 67-anyos, na talaga namang napakasipag at maparaan.
Ayon sa kanyang pahayag sa Philippine Star, dahil marami naman siyang nalalaman lalo na nang panahon ng pandemya at nasa bahay lang ay naisipan niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa pagkukumpuni at gumawa ng sariling YouTube channel.
Bukod pa sa kanyang mga content na pagre-repair ng appliances, ibinahagi rin niya ang kaalaman sa photography at iba pang electronic work.

Update:
Ngayon ay may mahigit 180K subscribers na ang YouTube channel niya at hindi lamang ‘yun. Sinabi rin niya na may FB page na rin ito — ang Lolo Rodel page na mayroon namang 21K followers.
“Maraming salamat po sa inyong lahat na sumuporta kay Lolo Smart kaya natanggap ang Silver Play Button,” ang pasasalamat ni Lolo Smart sa kanyang mga subscribers.
Marami ang natuwa at bumati sa natanggap ni tatay at nagsabing deserve niya ito.
“Congratulations po! and may God continue to Bless you and your family!”

“Congratulations po Lolo, you deserve it po God bless you always po!”
“Deserve mo ang Silver play button Lolo Smart!”
Bukod sa natanggap na silver button, ang mga pasasalamat at papuri na kanyang natatanggap dahil sa makabuluhan na mga videos ay mas lalong nagpapagana kay Lolo Rodel na gumawa pa ng maraming video.
Masaya siya sapagkat suportado siya ng kanyang mga mahal sa buhay; lalo na at nag-eenjoy naman siya sa kanyang ginagawa.
O, gusto n’yo bang matuto ng ibang mga kaalaman lalo na sa pag-rerepair at kung ano-ano pa? Manood ng mga videos ni Lolo Smart! Don’t forget to subscrine!
Ito ang kanyang latest video tutorial! “HOW TO CLEAN AND MAINTAIN VACUUM CLEANERS / and the DOs AND DON’Ts OF CORDLESS VACUUM CLEANER”