Sinurpresa ng Kapamilya actress at pilantropo na si Angel Locsin ang followers niya sa social media sa ibinahagi niyang “no makeup” look.
Sa Instagram ay ipinakita niya ang isang imahe na hindi karaniwang nakikita ng kanyang mga fans.
“This is me kapag toothbrush lang ang labanan sa umaga lol. No makeup, no filter, no suklay, and of course—no ligo,” sinabi niya sa kanyang IG stories.

Maganda talaga ang aktres kahit walang make-up o koloreteng nakalagay sa kanyang mukha ano?
Sa usapang buhok naman, ibinahagi niya ang “The superpowers of hair”. Tila nagpa-trim ng buhok ang aktres at pina-layered style ito.
“Okay madami na namang mabubudol magpalayers,” sabi ng isang nagkomento.
View this post on Instagram
Kamakailan sa isang interview ay ipinagkibit-balikat ng aktres ang body shaming comments na natanggap niya, at idiniin na walang mali sa kanyang figure.
Sa panayam ni Ogie Diaz na in-upload sa YouTube Channel ay napag-usapan nila ang tungkol sa pangangatawan ng aktres at matapang naman niya itong sinagot.

“Yes, malaki ako. Eh, ano naman ngayon? Bakit may kawalan ba? Minsan kung makalait pa ‘yung iba, tinitingnan ko ‘yung profile picture, excuse me naman sa ’yo ah,” pabirong nasasaktan na sabi ni Angel sa panayam kay Ogie.
“Ayaw mo namang manlait ng tao. ‘di ba? Parang okay, sige, minsan naman mapapa-smile ako na ouch nahiritan ako pero pagtingin ko sa profile pic, okay lang,” dagdag niya.
Ayon kay Angel, hindi niya dine-define ang kanyang body figure, at binanggit din niya na tanggap siya ng kanyang asawang si Neil Arce kahit anong mangyari.

Kilala rin siya sa kanyang humanitarian work.
Noong Hunyo 29, 2019, inihayag ng aktres sa isang Instagram post ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa kanyang kasintahan, ang producer ng pelikula na si Neil Arce na ngayon ay asawa na niya. Ikinasal sila noong Hulyo 26, 2021.
Basahin: Angel Locsin wala pang planong magbuntis: ‘Darating din tayo diyan’