Binata nagmahal ng isang single mom na may tatlong anak, naging inspirasyon ng marami

Nakaka-inspire ang isang binata na si Dj na nagmahal ng isang single mom. Sa kabila kasi ng pagkakaroon nito ng tatlong anak ay minahal niya ito nang sobra. At sabi naman ni DJ hindi lang si Melai ang nagmamahal ngayon sa kanya kundi pati na rin ang mga anak nito.

Marami na umano ang nagsabi kay Dj ng mga negatibong salita dahil sa ‘pagpatol’ niya sa single mom na may tatlo nang anak; kesyo problema lang daw ito sa kaniya at malaking obligasyon ang kaniyang gagampanan.

Sinabihan rin siya na maghanap na lang ng ibang babae na babagay sa kaniyang katayuan, na hindi siya mahihirapang buhayin at ‘yung maipagmamalaki niya.

Hindi raw niya pinakinggan ang mga ito dahil mas nangingibabaw ang nararamdaman nito para sa single mom.

Kuwento niya ay na love at first sight siya kay Melai. Marami din daw ang nanghuhusga sa kaniya kaya imbis na mahiya raw siya ay lalo pa niyang ipinagmalaki si Melai lalo na ang mga anak nito.

“Pinatunayan ko sa lahat na hindi ako mali ng pinili,” aniya.

Aniya, first time niya daw magkaron ng partner na may anak na at minahal niya ito nang sobra dahil dito raw niya naramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga na hinahanap niya na hindi raw matutumbasan ng babaeng nagdaan sa buhay niya.

“Sa kanya ko naramdaman na worth it lahat ng pagmamahal ko, walang nasayang kase mas sobra ‘yung sukli nya.”

Sa post naman ng FB page nina DJ&Melai ay ibinahagi ni Melai ang tungkol  sa annulment sa kaniyang naging unang asawa. Aniya, “Ang problema hindi pala biro ang presyo ng annulment, malaking halaga din ang kinakailangan at mahabang proseso pa ang pagdadaanan namin.”

Minahal at tinanggap umano ni Dj ang mga anak ng kaniyang partner at dinagdagan pa niya ang mga ito ng isa. Masayang-masaya naman siya dahil magiging apat na ang makukulit na bata sa kanilang tahanan.

Para sa kaniya ay malaking blessing ito para sa buhay niya na hindi man niya hiniling ay ibinigay naman sa kaniya.

“See you soon Baby no. 4.”

Marami namang naka-relate sa kanilang kuwento at may mga nagbahagi ng sariling status nila.

Samantala, ang couple ay nagbabahagi ng inspiring posts sa kanilang FB page. Mayroon din silang sariling YouTube channel para sa pagbabahagi ng kanilang masasayang bonding time. Happy family!

 

Post a Comment

Previous Post Next Post