Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang vlog ang 1st magical birthday celebration ng kanyang anak na si Zebianna Harake na may butterfly theme.
Ito’y inorganisa ng ‘Events by Miss P’ at ng ‘Ginger event styling’.
Makikita ang napakagandang setup ng birthday party ng kaniyang anak; mula sa entrance na garden of flowers hanggang sa princess-themed banquet na nagmistulang isang magical world.
Nakasuot ng pink na dress ang anak nito samantalang nakasuot naman si Zeinab ng dress ni Belle ng ‘Beauty and the beast’. Paborito umano ng anak niya si Belle kaya ito ang kanyang naging outfit.
Makikita rin sa birthday event ang mga nakasuot prinsesa tulad nina Cinderella, Snow white at mga mascot kagaya ng mga dwarfs ni snow white.

Niregaluhan din ni Zeinab si Bia ng isang necklace galing sa Manila Diamond Studio na pina-customize pa niya.
Kabilang sa mga artista at vloggers na naging bisita niya sina Jesse Mendiola at Luis Manzano, Donnalyn Bartolome, Shaina Denniz, Jelai Andres, at iba pa. Karamihan din ay mga bata.
Sabay-sabay namang binati ng mga bisita ng happy birthday si Bia.
Bago pa man simulan ang candle blowing ceremony ay nagbigay muna ng mensahe si Zeinab on behalf of Bia sa kaniyang mga panauhin, pamilya at mga kaibigan.

Nagbigay din ng birthday wish si Zeinab, gayundin ang kaniyang pamilya at mga kaibigan para sa celebrant.
Bago sinimulan ang kasiyahan ay nag-picture taking ang magpapamilya.
Siyempre, hindi mawawala ang coloring book at magician na pang-aliw para sa mga bata.
Nagpasalamat naman si Zeinab sa lahat ng nag-organisa ng event para sa birthday ni Bia. Naging emosyonal rin ang vlogger dahil nakaya niyang gampanan ang masayang birthday party para sa kaniyang anak.

“Sobrang nagpapasalamat ako kay Ginger, kay Miss P, kay mama Chad, sa team Zebby. Siyempre sa sarili ko, kasi kaya ko pa ring gawin ‘yung mga bagay na parang imposible na lalo na sa mga pinagdadaanan ko lately.”
“At isa lang ‘yung sasabihin ko sa ‘yo anak, kahit anong mangyari gagawin ko lahat lahat kahit gaano kahirap basta mapasaya ka lang ni mommy. Mahal na mahal kita hanggang dulo ‘yan. I love you minime.”
Sa huling mensahe niya ay nagpasalamat siya sa mga taong bumati at nagmamahal sa kanilang dalawa ni Bia. Aniya ay gagawin niya ang lahat para maging masaya sila palagi, lalong lalo na ang kaniyang anak.
Panoorin ang video ng kaarawan ni Bia na umabot na sa 4.5 million views as of posting: