Ibinahagi kamakailan ni Lovely Abella sa kaniyang Instagram account ang isang nakaaantig na kuwento na nangyari noon kaugnay sa pagtulong sa kaniya ni Marian Rivera.
Ayon kay Lovely, naospital noon ang kanyang “mamang” at si Marian ang unang tumulong sa kanya financially. Pahayag pa niya, namangha siya sa kabaitan ni Marian nang walang pag-aalinlangan na tinulungan siya nito kahit hindi pa sila close noong mga panahong iyon.
Katatapos lang ng guesting niya sa bagong sitcom ni Marian at Dingdong, ang JOSE and MARIA’S BONGGANG VILLA.

“Ayaw ipasabi ni ate Yan 5 years ago, ‘Di ko makakalimutan ang napakagandang puso ng taong to, hindi kami kumakain nang sabay, ‘di kami nagkakausap nang matagal pero noong panahon na nag 50/50 ang mamang ko, siya ang kauna-unahang nagbigay ng tulong sa’kin. Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama. Unexpected na galing sa kanya ang napakalaking halaga na ‘yun.”

Dagdag pa niya, hindi sa kagandahan lamang ni Marian siya humanga kundi pati na rin sa kagandahang loob nito sa kaniya.
“Hindi lang ako humanga sa kung gaano siya kaganda, kundi sa kagandahan din ng kalooban niya hindi dahil nagbigay tulong siya sa’kin kundi tinatanaw ko na utang na loob ang tulong na yun.”
Ipinahayag ni Lovely ang kanyang paghanga at walang patid na suporta kay Marian. Palagi raw niya itong isasama pati na rin ang kanyang pamilya sa kanyang mga panalangin.

“Lagi ko sinasabi pag ako yumaman ‘di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sa’kin financially at emotionally. ‘Di man materyal ang naisukli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo at isa na rito ang bagong show mo. Muli salamat nang marami, Mahal kita, ate.”
Nakatanggap naman ng maraming atensyon ang post ni Lovely, at maraming tao ang naingganyo na magpahayag ng kanilang pagpapahalaga kay Marian.
View this post on Instagram