Sa panibagong showbiz update ng manager at TV host na si Ogie Diaz ay napag-usapan ang mga haka-haka kaugnay sa diumano’y hiwalayang Janella Salvador at Markus Peterson.
Noong Abril 29 ay tinalakay at mainit na pinag-usapan nina Ogie, Mama Loi at Mrena ang tungkol sa magpartner na hindi na raw nakikita na magkasama sa larawan — sina Janella at Markus sa Instagram.
Maraming followers ang nakapansin na hindi na nga magkasama sa picture o silang tatlo kasama ang anak na si Jude lalo na sa kani-kanilang IG.

“Walang together (Picture) si Mommy at Daddy with bagets, January 01 new year pa ‘yung last, kaya ang daming nagtatanong kung Janella Salvador at Markus Paterson hiwalay na?” tanong ni Mama Loi.
Nag-agree naman si Ogie sa mga netizens na nakapansin nito dahil wala naman talaga silang bagong photos na magkasama.
Ayon pa kay Mama Loi, isa raw na nagpapatunay na baka wala na nga ang dalawa ay ang katatapos lamang na kasal ni Patrick Sugui. Solong anak lamang si Janella at ‘stepsibling niya si Patrick.
Sa naganap na kasalan ay nandoon ang aktres ngunit wala si Markus. “Si baby boy lang at si mommy ang nandun,” ani Mama Loi.

“Ang narinig ko lang, Loi, ang narinig ko lang ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Patterson. Hindi naman taon, mga ilang buwan na.”
“Narinig ko ito, Loi, na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson,” pagbabahagi ng komedyante.
“May drinking habit. ‘Yan ang narinig ko…. Madalas na umiinom ng alak. Na kapag nakakainom ng alak e nagkakaroon ng anger management problem,” pahayag ni Ogie D.
Inalala ni Mama Loi ang naging interview dati ni Ogie kay Janella kung saan ibinahagi ng aktres na may trauma na umano ito sa mga taong palainom.

“Pero kailangan pa nating maka-usap si Janella kung gaano katotoo ito. Minsan naman pag tinatanong si Janella hindi sasagot yun.. so siyempre sasabihin nila silence means yes,” ani Ogie.
Ibinahagi ni Ogie na kung totoo ngang madalas na nag-aaway ang dalawa dahil sa pag-iinom ng kanyang partner ay tiyak na makikita ng bata ang nangyayari.
“Ako para sa akin magpahinga muna sila, kung totoong iyon ang dahilan nila,” ang nasabi pa ni Ogie kaya naman napatanong na ito kay Markus kung ano nga ba ang totoo.
Panoorin ang kanilang video: