Ayon sa “King of Talk” na si Tito Boy Abuda, hindi naman dapat i-unfriend ang isang kaibigan dahil lamang sa iba ang napili nitong sinusuportahang kandidato ngayong darating na eleksyon.
Si Tito Boy ay nagbahagi ng opinyon sa kanyang TikTok noong Huwebes, Abril 14, kaugnay sa mga magkakakilala o kaibigan na iba ang pinipiling kandidato.
“Para sa akin, it is not right to unfriend someone simply because that someone is voting for a different candidate. Kasi that’s precisely what election is all about. This is all about democracy, iba’t iba ang pinipili natin,” wika niya.

“I don’t understand that. Kasi matatapos ang eleksyon saan mapupunta ang ating pagkakaibigan?” ayon sa celebrity host.
Dagdag niya, “Some friendships have been built over the years. Alam ko mainit ang panahon; mainit ang eleksyong ito; may mga pinaninindigan tayo. Pero ‘wag din natin kalimutan na may mga relasyon; may mga pagiging magkaibigan na mahalaga.”
Ang tinutukoy ni Tito Boy ay ang mga magkakaibigan na nabuo sa social media, sapagkat sa social media ay marami na ang nag-a-unfriend at nag-unfollow ng ilang may mutual friends dahil sa madalas na bangayang dala ng pagkakaiba ng sinusuportahang kandidato.

Kaya naman nagbigay ng payo ang TV host na pag-isipan muna nang mabuti bago i-unfriend ang isang kabigan dahil sa pinili nitong politiko.
“Dadaan ang eleksyon pero ang ating mga relasyon ay mananatili. So be cautious, be careful. Think about it carefully. Value your friends as we value our candidates para mas masaya ang buhay,” aniya.
“Let’s learn how to live with our differences,” anito.

Sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala sa politika, naniniwala si Tito Boy na maaari pa ring maging malalim na magkaibigan ang dalawang tao.
“So don’t unfriend anyone just because you have two different choices of candidates,” muli niyang paalala.
Totoo naman na kahit sino ay may karapatang mamili at bumoto ayon sa kanilang napipisil na kandidato. Ito ‘yung tinatawag na respeto sa iyong napili at sa napili ng iba.
Sa ngayon ay maraming nagtatalo-talo kaugnay sa mga kandidatong kanilang pinili. May tinatawag pa ngang ‘cancel culture’ kung saan ang isang celebrity o brand, halimbawa, ay bino-boycott kapag hindi lapat sa sinusuportahan ng ilang grupo.
@therealboyabunda Don’t unfriend someone just because you have different choices. #BoyAbunda ♬ Lofi Hip Hop Lofi(858787) – Enokido