Ipinagtanggol ng aktres-singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome ang kanyang kaibigang influencer at vlogger na si Zeinab Harake kaugnay sa false accusations.
Nagulat ang mga tagahanga ni Zeinab nang nag-trending ito online mtapos nitong ibahagi ang larawan ng kanyang pagluluksa sa pangalawang anak sana nila ng singer na si Daryl Borjas na mas kilala bilang si Skusta Clee.
Basahin: Zeinab sa namÃ¥yapÃ¥ng anak na si Moon: ‘Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo’

Sa gitna ng mga usap-usapan ay may pakiusap naman ang kaibigan ni Zeinab na si Donnalyn na ipinost sa kanyang Facebook page, lalo na ngayon na nagdadalamhati pa rin ang kaibigan niyang kapwa vlogger.
“Be kind to Zeinab, because if you know what I know, you’d feel horribly sorry for saying bad things about her at this time.. the most painful time of her life,” wika ng aktres.

Ipinagdarasal niya ang mga taong nagkakalat ng mga balitang walang katotohanan.
“I will pray for the souls who said false accusations about her loyalty after everything,” aniya.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa na hiwalay na nga sila.

Kapwa hindi kinukumpirma o itinatanggi nina Zeinab at Daryl ang mga espekulasyon online, ngunit napansin ng mga netizens na tila dinelete ng vlogger ang mga larawan ng ama ng kanyang anak sa kanyang Instagram account. Isa rin sa mga napansin ay ang pag-unfollow ng influencer sa singer.
Kapansin-pansin din na naka-follow pa rin si Daryl kay Zeinab at hindi pa rin binubura ang kanilang mga larawan sa app.
Ipinanganak ni Zeinab ang kanyang panganay na anak na si Bia noong Mayo 2021.