'Pagdating sa set, 'di ako nagustuhan, pinauwi ako': Zanjoe inalala kung paano siya inayawan ng isang GMA director

Kabilang daw sa mga pinaka-hindi malilimutang tagpo ng 366 star na si Zanjoe Marudo ang pag-ayaw sa kanya ng isang direktor sa GMA-7 para gumanap ng isang bit role sa isa sa mga programa ng nasabing network.

Sa isang exclusive interview sa kanya ng Pikapika, ibinahagi ni Zanjoe na nakatanggap siya ng isang matinding rejection bilang isang showbiz newbie at umabot sa punto na naisip niyang hindi marahil siya nararapat sa industriyang ito. Gayunman, sa halip na sumuko, nagawa pa niyang paghugutan ng lakas ng loob ang nangyari.

“Dumaan din naman ako sa punto na hindi ako marunong talaga, na ultimo blocking hindi ko magawa,” pagbabahagi ng aktor.

zanjoe

“Meron akong isang moment na hiyang-hiya ako kay Anne Curtis kasi siya ‘yong una kong nakatrabaho noong nag-start akong mag-artista [taong 2006]. Three hours na siyang naghihintay hindi pa rin ako makaiyak. Sabi ko, ‘Paano ba ginagawa ’yon?’”

Mabuti na lamang daw at tinulungan siya ng direktor. Wika nito, alalahanin niya ang isang bagay na magpapalungkot sa kanya nang husto. Dito, pumasok sa isip niya ang nasabing rejection.

“‘Yong unang pumasok sa isip ko ‘yong time na parang napahiya ako before. Dahil mayroon akong show sa GMA, GMA pa, na-cast ako sa isang afternoon show. Pagdating ko sa set, hindi ako nagustuhan ng direktor para roon sa character. Pinauwi ako. Hindi raw kasi ako bagay,” pagbabalik-tanaw niya. “Sabi ko sa sarili ko, mukhang hindi talaga akong pang-artista kasi do’n pa lang hindi na ako pumasa.”

zanjoe

Pero hindi na raw niya ikinalulungkot ito ngayon. Aniya, “Buti naman, nangyari ‘yon, napunta ako sa ABS.”

Sa halos dalawang dekada na niya sa industriya, hindi na raw nahihirapan ngayon sa pag-iyak si Zanjoe; na mapapansing madalas kabilang sa mga drama show ng Kapamilya network at maging sa mga pelikula. Ngayon, bukod sa pagiging isa sa mga star ng pelikula ng Viva Films na 366 kung saan kasama niya si Bela Padilla, siya rin ay tampok sa The Broken Marriage Vow na Philippine adaptation ng well-known Korean series na The World of the Married.

zanjoe

Post a Comment

Previous Post Next Post