Celebrities, netizens nag-react sa 'jowa reveal' ni Fifth Solomon

Masayang-masaya ang mga kaibigan at tagahanga ng actor-director na si Fifth Solomon matapos itong mag-“jowa reveal” sa isang social media post.

Sa Instagram, ibinahagi ni Fifth ang litrato nila ng kanyang kasintahan at ipinahayag kung gaano siya kasaya na sa wakas ay panahon niya naman para maging masaya sa pag-ibig.

“Ganito pala feeling ng may jowa. Makagagamit na din ako ng quotes tulad ng ‘I wish I knew you before I knew you,'” saad niya sa caption ng larawang kanyang ini-upload sa photo sharing app, kasabay ng paglalaki ng hashtag na #JowaReveal.

fifth

Dito ay agad na nag-iwan ng komento ang mga malalapit na kaibigan, katrabaho, at tagahanga ni Fifth. Wika nila, ikinatutuwa nila na may nagpapasaya na ngayon sa dating Pinoy Big Brother housemate.

“Ang saya-saya ko para sa iyo!” wika ng aktres na si Barbie Imperial. “Ito na ‘yong ‘balang araw’ mo!”

“Yey, @fifthsolomon, ang sayaaaaaaaaaaa!” komento naman ni Pamu Pamorada. “Ito na ‘yon! Happy for you.”

“Congratulations,” bati naman ni Rufa Mae Quinto.

fifth

“Deserve mo ‘yan,” ani @zes_noces. “Ganda mo mabait pa.”

Sabi naman ni @itsmerahfaxiv, “Ayyyttt, kailangan ko talagang maghintay at may darating talaga.”

Natawa naman ang marami sa kakulitan ni Alora Sasam na pabirong isinumpa ang kaibigan at sinabing sana ay mapigtas ang tsinelas nito.
fifth

Biro naman ng ilan, sa wakas ay hindi na lamang third wheel si Fifth sa mga date ng kanyang kaibigang si Alex Gonzaga at ng mister nito. May mga nakakuha rin ng inspirasyon at nagsabi na nanalig din sila sa pagdating ng taong magmamahal sa kanila.

Samantala, sa kanya-kanya nilang Instagram stories ay ipinasilip ng dalawa ang isa sa kanilang mga recent quality time nila at kitang-kita sa mga litratong ito ang kanilang saya.

Post a Comment

Previous Post Next Post