Clarita Carlos sinabing hindi na raw kailangan ng Pilipinas ng mga karagdagang abogado

Ang retiradong propesor ng University of the Philippines (UP) na si ‘Machiavellian’ Clarita Carlos ay muling naging usap-usapan online dahil sa kanyang ‘unpopular theory’ kasunod ng paglabas ng mga resulta ng 2020/21 Bar examination noong Abril 12.

Sinabi niyang hindi na umano kailangan ng Pilipinas ng karagdagang abogado.

“Not to rain on anyone’s parade…but, me thinks we need more scientists, engineers and doctors…not more lawyers!” aniya sa kaniyang tweet na ngayon ay burado na, na may libu-libong mga reaksyon at daan-daang komento.

Sinabi ni Clarita sa PhilStar L!fe sa isang online na panayam na binura niya ang post nang makabasa siya ng “vicious and vile” remarks.

I had articulated similar views years and years ago. I post to engender rational discussion, not comments full of bile and venom” Idinagdag pa niya na “Facebook no longer serves the purpose of connecting human beings but instead fomenting hatred, vileness, ill will.”

May mga kumontra naman sa kanya.

Sinabi ni G.P., isang abogado at law lecturer ng Far Eastern University, na nangangailangan ang bansa ng higit pang mga scientists, doctors, farmers ngunit kailangan din ng karagdagang mga abogado sa bansa.

Sa isa pang tweet, sinabi niya na mayroon lamang isang praktikal na abogado sa bawat 6,875. Mayroon ding “even bigger disproportion” sa ibang mga bansa, batay sa data mula sa 10th Conference of Italian Society of Law and Economics noong 2014.

“Before raining on other people’s parade, check your data first,” saad niya.

Ayon naman kay J.M, isang “lawyer, father, teacher” sa kanyang Tweet, “One doesnt need to slight a profession to make a point. And one certainly doesnt do it just when Bar Passers & their families are celebrating.”

“To ‘rain on anyone’s parade’ doesnt make one better. It betrays a frail ego. Only the secure can afford to be kind.” 

Sinabihan naman si Clarita ng Twitter user na si Ryan na bumaba mula sa kanyang “ivory tower” at gumugol ng kahit isang araw lang sa Quezon City Hall of Justice, regional trial court sa probinsya, National Labor Relations Commission, at Public Attorney’s Office.

“Then say we have no need for more lawyers. Aral bago kuda. That’s how true political scientists work,” dagdag pa nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post