Noong Abril 12, 2022, ibinahagi ni Herlene Budol sa kanyang Instagram account ang litrato niya kasama si Karen Davila kung saan ang litrato ay kuha sa araw ng kaniyang panayam.
“Aliw na aliw sa akin si Miss Karen Davila sa pag interview sa aking pagiging Squammy. Approach ko sa kaniya ako unang chika na sasali ako ng Binibining Pilipinas at nag trending ‘yung content namin ng 1.5M views. Salamat kay Manager Wilbert Tolentino sa pag dala sa amin ni Madam inutz at pinakilala kami kay Miss Karen,” aniya sa kaniyang caption.

Ang nasabing panayam ay lumabas sa YouTube channel ng Kapamilya news anchor noong Abril 2. Mayroon na itong higit 1.8 million views.
Nangako si Karen na ibibigay niya kay Herlene Budol ang kikitain ng YouTube vlog nila.
Gusto kasi ni Karen na maituloy ni Herlene ang plano nitong lumipat at magpagawa ng bahay.

Nagkomento naman dito si Karen, at nabanggit ngang ibibigay niya kay Herlene ang kikitain ng video nila.
“It’s so easy to love you Herlene kasi napakabuti ng puso mo. God will reward your faithfulness and love for your family!” aniya.
“I am here for you hoping kahit papaano makatulong ang proceeds ng vlog sa plano mong lilipatan,” dagdag pa nito. Wow na wow, ‘di ba?
Samantala, nagbigay rin ng update si Herlene sa video kung ano ang ginawa niya sa perang ibinigay sa kanya ni Toni Gonzaga, mula sa interview sa kaniya sa YouTube channel ni Toni noong Hulyo 2021.

Sinabi ni Toni na ido-donate niya kay Herlene ang perang kikitain ng kanilang video para maipagawa ni Herlene ang bubong ng kanilang tirahan.
“’Yung ibinigay po sa akin ni Toni Gonzaga po, binigyan niya po ako ng pera nun, e, pampagawa po sana ng bubong. Inisip ko na lang po na ipunin tapos lumipat na lang po kami,” ani Herlene kay Karen.
“’Di ko pa rin ginagastos, ref pa lang nabibili ko. Andun pa rin sa bangko. Hinding-hindi ko gagalawin iyon kasi alam kong hindi sa akin iyon. Pambahay namin ‘yun. Tapos, siyempre po, iniipon ko po ngayon ‘yung vlog ko po.”
Panoorin ang buong video nila ni Karen: