Couple na security guards nagbigay inspirasyon matapos makapasa sa board exam para sa mga guro

Pinatunayan ng couple na sekyu na sa pamamagitan ng pagsusumikap at dedikasyon ay walang imposible.

Pinakasalan ni Reyner si Nurhima bago ang kaniyang graduation. Siya ay nagtapos sa Lapak National School of Fisheries sa Sulu na may Bachelor’s Degree in Fishery Education noong 2015.

Tinulungan naman niya si Nurhima na tapusin ang kaniyang degree sa elementarya.

Si Reyner at Nurhima ay nagtatrabaho bilang security guard. Pagkatapos nilang gawin ang kani-kanilang tungkulin sa araw-araw, magsisimula na silang mag-review para sa kanilang board exam.

“Sobrang hirap po ng setup namin. ‘Yung preparation sobrang hirap. Pagkauwi ko sa trabaho, siya ay taga basa ng reviewer. Ako, pinapakinggan ko lang ‘yung binabasa niya. Iniintindi ko lang kasi katawan ko is totally bagsak talaga, s’yempre alam mo sa aming mga security guard, nakatayo lang kami.”

Naipasa naman niya ang licensure examination para sa guro habang ang kaniyang asawa naman na si Nurhima ay nakapasa sa pangalawang pagkakataon noong 2019.

Ang kanyang pamilya ang naging inspirasyon ni Reyner na ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa kaniyang mga pangarap dahil gusto niyang mabigyan sila ng mas magandang buhay.

Sa kabila ng kaniyang paulit-ulit na nabigong pagtatangka na makapasa sa board, hindi sumuko si Reyner. Ibinahagi rin niya na umabot siya ng anim na beses upang makamit ang milestone na ito.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Reyner sa Zamboanga City habang ang kaniyang pamilya ay nananatili sa Sulu.

Matapos makapasa ni Nurhima sa Board exam ay nag-resign siya bilang security guard at naging volunteer teacher sa Sulu.

Samantala, ipinagpatuloy ni Reyner ang pagtatrabaho bilang security guard sa isang pawnshop habang naghihintay ng oath-taking ceremony.

Planong niyang bumalik sa Sulu at magturo sa secondary education.

“Unang-una gusto ko tulungan ‘yung mga kabataan doon sa probinsya namin. I-educate sila mas maganda pa sa mga naranasan nilang edukasyon. Para sabi ko makisabay sila, hindi sila makilala bilang isang Muslim o terorista man sa social media.”

“Gusto ko rin maipakita nila na hindi lahat ng mga Muslim ay mga masasama or mga Abu Sayaf.”

Panoorin ang kanilang kuwento sa Facebook page ng PhilStar:

Post a Comment

Previous Post Next Post