Marjorie Barreto masaya sa muling pagpasok ng anak sa paaralan

Matapos ang dalawang taong online classes, hinatid ni Marjorie Barretto ang kanyang bunsong anak na si Erich sa paaralan noong Martes ng umaga, Abril 5.

Ang dating aktres at politiko na naging vlogger ay nagbahagi ng isang video sa Instagram kung saan ang anak na si Erich ay kumpleto sa kanyang suot na uniporme at papasok sa paaralan para sa kanyang unang harapang klase.

“Slowly but surely our children are going back to normal, our new normal… I can’t believe it’s been more than 2 yrs since I last dropped her off to school,” nakasaad sa caption ng dating aktres.

Dagdag pa niya, si Erich ay “so grown up now compared to the grade 2 student that she was that time, her uniform is [two] sizes bigger now!”

Ayon kay Marjorie, wala nang mas mahusay para sa mga mag-aaral kaysa sa muling pagsasama-sama ng kanilang mga kaklase at pakikipag-chat at pakikipaglaro sa mga kaedad nila.

Totoong iba talaga kapag face to face ang pasok ng mga bata sa eskwelahan. Sana nga ay magtuloy-tuloy na at mawala na talaga ang virus na nagdala ng pandemya.

“She seems happy, that makes our 2 hours in traffic getting to school worth it,” pagtatapos ni Marjorie na excited na ring pumasok ang kanyang bunso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Hindi lamang si Marjorie ang masaya na nakapasok ang kanyang anak sa paaralan kundi pati ang isa pang celerity mom na si Judy Ann Santos at ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.  Ang kanilang anak na si Lucho Agoncillo ay muli na ring pumasok sa school.

Ibinahagi ni Judy Ann Santos ang update sa kanyang Instagram stories noong Lunes.  Nagbahagi siya ng video ng kanyang 11-anyos na anak na pinipigilan ang kanyang emosyon habang nasa kalsada. Sinabi ni Lucho na “very excited.”

“My stomach is in knots and my heart is beating so fast because I haven’t been to school in two years,” sabi niya sabay lagay ng isang kamay sa dibdib niya.

“Oh, my love, I feel you. You’ll do great,” sagot naman ni Juday sa kanyang anak.

Ilang paaralan sa National Capital Region (NCR) ang nagsimulang magpatupad ng face-to-face classes noong Pebrero nang lumuwag ang mga paghihigpit sa COVID-19.

Post a Comment

Previous Post Next Post