Ang aktor na si Daniel Padilla ay mayroon nang sariling branch ng isang sikat na fast-food chain — KFC sa Tacloban.
Dumalo ang Kapamilya aktor sa pagbubukas ng nasabing branch sa Tacloban kasama ang kanyang ina na si Karla Estrada at kapatid nito at pinsang si Jordan Lim.
Dumagsa ang ilang fans sa KFC na bagong bukas na naghintay sa kanya sa labas para lang masilip ang heartthrob.

Base sa mga post na ibinahagi ng kanyang mga tagahanga, makikita ang nasabing restawran sa Metro Tacloban.
“Congratulations Daniel Padilla and Madam Karla Estrada! Goodluck KFC Metro Tacloban Team!” ayon sa post ni RaMmy McCoy sa kanyang FB.
Nagbahagi naman si Daniel ng larawan ng KFC sa kanyang IG stories.

Makikita sa mga larawan na masaya ang mag-ina dahil napuno ng mga customer ang grand opening at umabot pa ito hanggang labas.
Si Daniel ay nagmula sa Tacloban City sa Leyte. Tagaroon ang kanyang maternal relatives; ang pamilya ni Karla.
Si Karla ay tumatakbo bilang kinatawan ng Tingog party-list sa Tacloban sa 2022 Election.
Kamakailan ay nag-upload ng larawan si Daniel kasama ang kasintahang si Kathryn Bernardo na ine-endorso ang bagong snacks ng KFC — ang Smoky BBQ Zinger Sandwich sa kanyang IG.

“Wrap your hands on our newest snack! Enjoy the savory flavors of the KFC Smoky BBQ Zinger Sandwich on the go!” ayon sa post ng aktor.
Proud mama naman si Karla at nagbahagi rin sa kanyang IG na sabay nilang palalaguin ang bagong bukas na restawran.
“My children are My Pride, my Joy and my greatest Blessings! Wala akong mapag lagyan ng Ligaya anak, @supremo_dp Palalaguin natin ito ng magkahawak kamay kasama ng mga kapatid mo.
Dagdagan pa natin para mas marami pa tayong ma- inspire at higit sa lahat marami pang mabigyan ng Trabaho! GLORY TO GOD #kfcmetrotacloban” masayang pagbati ni Karla.
View this post on Instagram