Ely Buendia binara ang basher na nagtanong kung eksperto ba siya sa ‘fake news’

Hindi nagpapaawat si Ely Buendia na patulan ang kaniyang mga bashers sa social media na ang ilan ay kinukuwestiyon pa ang kaniyang kakayahan tungkol sa taxation at kaalaman hinggil sa ‘fake news’.

Nag-ugat ito sa isang tweet ng dating Eraserheads frontman hinggil sa isang kandidato na umano’y may malaking utang na buwis sa gobyerno subalit wala raw magawa rito ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

“When the BIR can’t even do anything about certain individuals who owe us tons of money, isn’t that the very definition of elitism? Fight me,” ani Ely.

Dahil dito, pinutakte ang singer-songwriter ng mga bashers na ipinagtanggol ang kanilang kandidato habang pinalalabas naman na walang alam si Ely Buendia sa kaniyang sinasabi.

Subalit hindi pa rin nagpatinag si Ely at muli itong nag-tweet. Aniya, “Good news, andami palang tax experts at lexicographers sa Pilipinas, they wasted no time in schooling me with their vast knowledge of tax laws and definitions of elitism. Yun nga lang bad news is they can’t tell what’s fake and what’s not.”

Hindi pa rin tinantanan ang bokalista ng E-heads hanggang sa isang basher na ang nagtanong kung eksperto ba siya sa ‘fake news’.

Direkta namang sinagot ni Ely ang naturang basher at pinayuhan pa.

“You don’t have to be an expert on fake news. All you have to do is check if the source is credible. Try it,” anang singer.

“If you mean am I an expert on SPREADING fake news, no I’m not. that rather dubious distinction goes to the trolls and apologists. Sincerely, EB,” matapang na giit pa rin ni Ely.

Gaya ng inaasahan, bagama’t marami ang sumasang-ayon sa kaniya, may ilan pa ring patuloy ang pambabatikos sa OPM icon dahil sa kaniyang pananaw sa pulitika.

Si Ely ay kilalang tagasuporta ng tandem nina VP Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

Noong Marso, isa siya sa mga celebrities na nagtanghal sa grand rally ng ‘Kakampinks’ sa Iloilo City kung saan inawit niya ang ilan sa mga awiting pinasikat ng Eraserheads.

Post a Comment

Previous Post Next Post