Ang radio host na si DJ ChaCha ay nagsalita kaugnay sa mga nakitawa sa larawan na umiiyak ang aktor na si Jake Cuenca matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ng aktres na si Kylie Verzosa noong Sabado, Abril 23.
Sa FB ay nagpost ang radio host kaugnay sa mga netizen na tinawanan ang aktor. “Konting simpatya naman diyan. Yung mga nagsasabing bakit ipinost pa ito ni Jake pwede namang sarilinin na lang. Hindi natin alam totoong dahilan.”
“Pwedeng sa sobrang sakit ng break up nila ni Kylie tapos wala siyang makausap ng mga oras na yan, kaya yan naging outlet niya to let his emotions out,” dagdag niya.
Ayon sa DJ, hindi biro at hindi talaga madali kapag nakipaghiwalay ka sa matagal mo nang naging karelasyon at iba-iba rin ang paraan ng pagmo-move on ng bawat tao.
“P’wedeng ito yung way ni Jake to let all his feelings out, para kahit papaano mabawasan ang sakit,” anang host.
“Mahirap na ba magpakatao talaga ngayon? Bakit kailangang i-laugh react? Hay.”

Basahin: Jake Cuenca kinumpirmang hiwalay na sila ni Kylie Verzosa
Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Jake ng larawan ng miniature nila ni Kylie at ng kanilang mga aso.
“This was us. I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best,” ani Jake.
“I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.”
Gayunpaman, masaya raw siya dahil naging maayos ang kanilang paghihiwalay kaya alam niyang wala silang galit o bitterness sa isa’t isa.

“Wherever you are or whatever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.”
Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan ng dalawa nang maluha si Kylie sa noon-time show na “It’s Showtime” nang mabuksan ang usapan tungkol sa breakup.
Nag-post din si Kylie sa Twitter kung saan sinabi niyang “Broken.”
Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nina Kylie at Jake na nagsimula nang magkatrabaho sila sa isang teleserye ng ABS-CBN.
