Mag-asawa binihisan ang kanilang anak na babae ng iba't-ibang career outfit

Binihisan ng mag-asawa ang kanilang sanggol na babae na pinangalanang Mary Ibuan ng iba’t ibang outfit na pang-career o propesyon kada buwan hanggang sa kanyang unang kaarawan.

Pinusuan naman ng netizens si baby Mary dahil cute na cute ito sa mga outfit niya sa kanyang monthly photoshoot. Tampok ang iba’t ibang propesyon na maari niyang piliin balang araw.

Kuwento ng kanyang ama, sila mismong mag-asawa ang kumukuha ng mga litrato ni baby Mary. Pinatatahi naman nila ang mga outfit.

“As her parents, we want our child to dream high and be successful with her chosen career when she grows up,” ani John Ibuan sa Inquirer.

Ipinagdiwang ni Little Mary ang kanyang unang kaarawan noong Pebrero 16. Nagbihis siya tulad ng propesyon ng kanyang mga magulang; bilang isang guro sa pampublikong paaralan.

Ibinahagi naman ito ni John sa kaniyang Facebook.

“As long as there are teachers who care for every learner, this world will have a bright future. Teacher Mary at your service. Sabi na nga ba teacher ako sa 1st birthday ko eh, kasi teacher sina Mommy at Daddy,” aniya sa kaniyang Facebook post.

1 year and 2 months na ngayon si baby Mary. Ani John, kung ano man ang career na mapipili ng anak ay susuportahan nila ito. Panalangin din niya na magtagumpay ang anak sa kanyang paglaki.

Nais ni John at ng kanyang asawa na si Jasmin na magbigay ng inspirasyon sa mga magulang sa mga hangarin nila para sa kanilang mga anak at suportahan sila sa kanilang mga pangangailangan sa edukasyon dahil naniniwala sila na “parental involvement and efforts play a vital role in the progress and success of every child.”

Maraming netizens naman ang naaliw kay baby Mary.

“Happy birthday little one praying that whatever you choose sa mga ipinortray mo, you will always be the best and successful. God bless.”

“Alam ko na ang theme per month.”

“May pilot at police na tayo hahaha dapat may scientist at presidente din ng bansa hahaha.”

Silipin ang mga nakatutuwang OOTM (Outfit of the Month) album ni Baby Mary:

Post a Comment

Previous Post Next Post