Pinuri ni Neil Arce ang kanyang asawang si Angel Locsin sa isang mainit at taos-pusong pagbati niya sa kaarawan nito na ipinost ng direktor at producer ng pelikula sa kaniyang Instagram.
Binanggit din niya ang iba’t ibang papel na ginagampanan ni Angel sa bawat araw ng kanyang buhay.
Gayunpaman, sinabi ni Neil na sa dinami-dami ng role na ginagampanan ng kaniyang asawa, si Angel pa rin ang pinakamagaling bilang asawa.

“Sa dami ng ginagawa mo— actress, volunteer, businesswoman and many more.. pinakamagaling ka pa rin sa pagiging asawa ko,” ani Neil
Ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan noong Abril 23. Siya ay nasa 37 taong gulang na.
Nagpahayag rin si Neil ng pagmamahal sa kanyang asawa at binati ito ng maligayang kaarawan.
“I Love you. Happy happy birthday,” sabi ng direktor.

Ikinasal sina Angel at Neil sa isang intimate civil ceremony noong Agosto ng nakaraang taon, kung saan isa sa pinakakilalang bisita ang malapit na kaibigan ng aktres na si Dimples Romana.
Samantala, binati rin ni Dimples Romana ang kaniyang bestfriend.
“Maligayang kaarawan sa aking pinakamamahal na best friend, mars for life, @therealangellocsin.”
“To say that I am proud of the woman you have become and the legacy of your heart would be an understatement. If only people would get to see you up close and hear you speak, they too would love you even more,” ani Dimples.

“I have never known a woman as strong, as dignified, as loving and as loyal as you are. Thank you for being by me, with me, always. In many of life’s struggles and victories, lagi kitang kasama. Salamat. I am truly blessed to have a best friend who has a heart big enough to fit all that love you so willingly and selflessly give to everyone,” dagdag pa niya.
Sa pamamagitan ng isang IG Story, nagpasalamat naman ang tinaguriang real life Darna kay Dimples, “Ang best friend kong ubod ng sweet! Love you forever, mars!”